Advertisers
Sa isang magulang, walang mas hihigit pa sa pakiramdam na alam mong ligtas ang iyong anak sa sandaling lumabas siya ng bahay lalo na kapag nakauwi ito ng buhay o walang nangyari sa kanya habang nasa labas.
Kapanatagan ang tawag sa ganitong pakiramdam kung saan sa panahon ngayon ay tila’y napakahirap matamasa dahil sa mga napapaulat na nangyayaring krimen pero sa kabila ng lahat, nitong Hunyo 8, sa pagbubukas ng School Year 2026–2027, isang malaking buntong-hininga ng ginhawa ang naramdaman ng mga magulang sa buong Quezon City.
Ito ay matapos patunayan ng Quezon City Police District (QCPD), sa pamumuno ni PBGen Randy Glenn Silvio, na ang seguridad ng kabataan ang kanilang nangungunang priyoridad sa ilalim ng “Oplan Balik-Eskwela 2026”.
Dahil sa pagbibigay seguridad ng QCPD sa mga mag-aaral at sa kapaligiran ng mga eskuwelahan, naging tagumpay at pangkalahatang mapayapa ang pagbubukas ng klase.
Ang pagbibigay seguridad sa unang araw ng Balik – Eskuwela ay direktang tugon ng QCPD sa malinaw at mahigpit na direktiba ni Chief PNP na si PGEN Jose Melencio Nartatez, Jr. at sa mga estratehikong programa ni NCRPO Regional Director, PMGEN Anthony A. Aberin.
Sa pamamagitan ng pagpapakalat ng sapat na puwersa at paglalagay ng mga police assistance desks (PADs), ipinamalas ng kapulisan ang isang antas ng kahandaan na nagpabago sa karaniwang magulong eksena ng unang araw ng eskwela.
Sa mga nakaraang taon, ang unang araw ng klase ay madalas na pinagmumulan ng takot para sa mga magulang—takot sa vehicular accidents, takot sa mga mandurukot, at takot sa seguridad ng kanilang mga anak sa labas ng kampus.
Ngunit sa taong ito, y pinaghandaan ng QCPD ang lahat kung kaya kakaibang imahe ang sumalubong sa mga mag-aaral gayundin sa kanila maguklang.
Sumalubong upang matiyak ang seguridad ng milyong mag-aaral ay ang presensya ng mga pulis na maagang naka-deploy sa mga designadong lugar, katuwang ang lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte at mga force multipliers. Sila ay naghatid ng agarang proteksyon at kapayapaan ng isip sa komunidad.
Masasabing ang ganitong uri ng aktibong pagbabantay ang nagpapatunay na ang pulisya ay hindi lamang nagpapatupad ng batas, kundi nagsisilbing tunay na kaagapay ng pamilyang Pilipino.
‘Ika nga ni PBGEN Silvio…ang layunin ng QCPD ay ang magsilbi nang mabilis, tapat, at nararamdaman. Kaya nga nitong
Lunes, damang-dama ng mga magulang ang katapatang ito ng QCPD.
Ngayon dahil sa maayos na liderato ni Heneral Silvio, hindi lang basta nagsimula ang klase kundi nagsimula ito nang may kapanatagan sa puso ng bawat magulang na ang kanilang mga anak ay nasa ligtas na mga kamay.