Advertisers
MULA sa mga espekulasyon tungkol sa umano’y mga pabigat na nakatali sa katawan ng dalawang Ateneo basketball players, ngayon ay nakatuon na ang imbestiga-syon sa mas mahalagang tanong: May nagkulang ba sa safety measures bago naganap ang trahedya?
Ito ang panibagong direksyon ng imbestigasyon matapos igiit ng Aurora Police na walang nakitang foul play at wala ring anumang weights na nakakabit sa katawan nina Rene Baterbo-nia at Divine Adili nang sila ay marekober sa karagatan ng Dipaculao, Aurora.
Ayon kay Aurora Police Provincial Office spokesperson Major Lorena Bautista, bagama’t accidental drowning ang paunang findings, hindi pa sarado ang kaso dahil patuloy pang sinusuri kung may kapabayaan sa panig ng resort management at ng mga organizer ng aktibidad.
“There’s still looking for the negligence part for the resort owner and the school administration,” ani Bautista.
Nagsagawa na ng case conference ang Aurora Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ni Provincial Director, Colonel Percival Pineda, kasama ang forensic unit, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at National Bureau of Investigation (NBI) upang masusing balikan ang mga pangyayari bago ang insidente.
Lumabas sa imbestigasyon na apat na kalahok ang nasa bahagi ng dagat nang mangyari ang insidente, ngunit da-lawang varsity player ang natangay ng malakas na agos patungo sa mas malalim na bahagi ng karagatan.
Isa rin sa mga pangunahing sinusuri ngayon ng mga awtoridad ay kung may suot bang life vest o iba pang safety equipment ang mga kalahok habang isinasagawa ang aktibidad na may kaugnayan sa dagat.
Pinabulaanan naman ng pulisya ang mga kumakalat na ulat sa social media na may mga pabigat na nakalagay sa katawan ng mga atleta.
Babala ng pulisya, maaa-ring managot sa batas ang sinumang magpapakalat ng maling impormasyon na maaa-ring makaapekto sa isinasagawang imbestigasyon.
Sa ngayon, nakapagsumite na ng mga sinumpaang salaysay ang dalawang coaching staff ng Ateneo, mga responder ng MDRRMO at dalawang lifeguards. Wala pa namang pahayag ang may-ari ng resort.
Patuloy ang reinspection at backtracking ng Dipaculao Police sa lugar ng insidente sa pag-asang may makakalap pang ebidensyang makatutulong upang matukoy kung simpleng aksidente lamang ba ang nangyari o may pananagutang dapat harapin ang sinuman.
Sa kabila ng paunang findings na accidental drowning, malinaw na isang mahalagang usapin ang na-nanatiling walang kasagutan: Sapat ba ang mga safety measures na inilatag bago isinagawa ang aktibidad sa dagat na nauwi sa pagkamatay ng da-lawang batang atleta?