Advertisers

Advertisers

School building pinatayo ni PBBM sa QC natapos ng 8 buwan

0 6

Advertisers

IKINALUGOD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong tayong Dao Building ng San Francisco National High School sa Bago Bantay, Quezon City na aniya’y bunga ng maayos at wastong paggamit ng pondo ng pamahalaan.

Sa kanyang pagbisita, personal na ininspeksyon ng Pangulo ang gusali na itinayo kapalit ng istrukturang nasunog noong Hunyo ng nakaraang taon.

Nilibot niya ang buong pasilidad at napansin ang mga safety features nito, kabilang ang mga sprinkler system na nakalagay sa bawat palapag upang mas mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro.



Ayon sa Pangulo, ipinakikita ng bagong gusali kung ano ang maaaring makamit kapag nagagamit ng tama at maayos ang pondo ng bayan.

Ikinatuwa rin niya na nagagamit na ng mga estudyante ang gusali na may 36 silid-aralan, dahilan upang hindi na kailanganin ang double shifting sa paaralan.



Pinuri rin ng Pangulo ang mabilis na pagkumpleto ng proyekto dahil natapos ito sa loob lamang ng walong buwan, mas maaga kaysa sa itinakdang 12-buwang completion period.

Patuloy na maglalaan ang pamahalaan ng mga proyektong magpapahusay sa kalidad ng edukasyon at magbibigay ng mas ligtas at maayos na pasilidad para sa mga kabataang Pilipino. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">