Advertisers

Advertisers

‘16 BOTO PARIN ANG KAILANGAN PARA MA-IMPEACH SI SARA’

0 10

Advertisers

NILINAW ni acting Senate President Sherwin Gatchalian na mananatiling 16 boto ang kinakailangan upang mahatulan si Vice President Sara Duterte sa nalalapit na impeachment trial sa kabila ng usapin sa quorum sa Senado.

Ito ay matapos kuwestiyunin ni Sen. Alan Peter Cayetano kung maaari ring maapektuhan ang bilang ng kinakailangang boto sa impeachment proceedings kasunod ng naging interpretasyon ng bagong mayorya na sapat na ang 12 senador upang magkaroon ng quorum noong Hunyo 3.

Ayon kay Gatchalian, malinaw ang nakasaad sa Artikulo XI, Seksyon 3(6) ng 1987 Constitution na kinakailangan ang pagsang-ayon ng dalawang-katlo ng lahat ng miyembro ng Senado upang magkaroon ng conviction sa isang impeachment case.



Dahil 24 ang kabuuang bilang ng mga senador, sinabi niyang nananatiling 16 boto ang constitutional threshold para sa conviction at hindi ito magbabago anuman ang dami ng senador na dumalo sa paglilitis, kung sino ang may kontrol sa mayorya, o kung sino ang mamumuno sa impeachment court.

Binigyang-diin pa ni Gatchalian na nakatakda paring magsimula ang impeachment trial sa Hulyo 6, at nagpapatuloy ang paghahanda para rito.



Aniya, malinaw ang mga tuntunin at susundin ng Senado ang itinatakda ng Konstitusyon sa pagdinig ng impeachment complaint laban sa Bise Presidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">