Advertisers

Advertisers

ASAP XP nagbigay aliw sa Negros Occidental

0 5

Advertisers

Halos mangimbal ang Negros Occidental nang dalhin ng ABS-CBN Studios ang ASAP XP sa Victorias City Coliseum kung saan nagtanghal ng back-to-back shows para sa pinamakalaking live entertainment events.

Aabot sa mahigit 40 na ABS-CBN artists ang nag-perform sa tanghali at evening shows kung saan pinangunahan ito nina Regine Velasquez-Alcasid, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Lani Misalucha, Zsa Zsa Padilla Erik Santos, Angeline Quinto, at Jolina Magdangal, kasama sina Belle Mariano, Donny Pangilinan, at BGYO, habang ang Rock icon naman na si Bamboo ay nag-perform sa 7 PM show.



Nabatid sa data ng ABS-CBN, base sa pagtaya ng Philippine National Police (PNP), nasa mahigit 6,000 katao ang dumalo sa 12 noon show habang mahigit 7,000 katao naman ang dumalo sa evening show dahilan para mapuno ang venue.

Kasama rin sa lineup ang mga homegrown talent tulad nina Negros at Bacolod singing champions na sina Claudia Eliver, Emmanuel Pescador, Hannah Espadon, Melissa Dueñas, at Rolly Beloria, habang ang Sidlak Kadalag-an Festival dancers ang nagbukas ng show.



Kaugnay nito nagpasalamat naman si Negros Occidental Third District Rep. Javier Miguel Benitez sa ASAP family.

“To the ASAP Family, thank you for bringing the ultimate ASAP XPerience to Victorias City and making every Negrosanon and fan feel seen, celebrated, and loved,” pahayag ni Benitez.



Ang twin-show turnout ay nagpatibay sa lumalaking kakayahan ng Victorias City na mag-host ng malalaking pambansang produksyon at sa kasiglahan ng mga Negrense na manonood, na napuno ang coliseum mula tanghali hanggang gabi. (Boy Celario)