Advertisers

Advertisers

MGA BARANGAY, HINIHIMOK NI GABRIEL GO NG MMDA NA ‘WAG MATAKOT

0 6

Advertisers

Kelan lamang ay nag-guest si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group–Strike Force (SOG-SF) Chief Gabriel Go sa “MACHRA Balitaan” ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) na ginanap sa Harbor View Restaurant.

Doon, naibulalas niya ang problemang kinakaharap niya at ng kanyang mga tauhan sa araw-araw.

Aniya, nag-uugat ang lahat ng problema sa kawalan ng disiplina, kaayusan at pag-uugali ng ilang pasaway.

Nalulungkot umano siya na marami sa ating mga kababayan ang hindi kayang tanggapin na dapat baguhin ang ugali nating mga Pinoy.

Marami umano ang gumagamit ng ‘mahirap card.’ Ito ‘yung mga gumagamit ng pangangatwiran na mahirap lang sila, kaya hindi nila alam ang mga bawal o hindi nila maintindihan.

‘Yung mga nasa middle class naman, ang katwiran daw ay intindihin sila dahil isang kahig isang tuka lang sila.

Pagdating naman sa mga maykaya o mayayaman, pumapasok naman ang tinatawag na ‘sense of entitlement.’ Ito daw ‘yung mga feeling ‘entitled’ dahil nga me pera sila o kaya may mga ‘kilala’ sila o koneksyon sa mga taga-gobyerno.

Para kay Go, ang pinakamahirap daw na kausap ay ‘yung mga taong alam ang paglabag nila o regulasyon, pero sadyang ayaw umintindi.

Araw-araw din daw na pahirap ang mga barangay na nabubuhay sa kompromiso.

Bagama’t nasa 80 percent daw ang bilang ng mga barangay na pasaway, may mga barangay umano na, in fairness aniya, ay mismong nahingi na mag-clearing sa kanilang lugar na nasasakupan.

‘Yun lang. Tila takot ang mga barangay officials na magpatupad nang tama pagdating sa illegal parking dahil may mga pagkakataon pa umano na hihingi ng tulong ang barangay sa kanyang tanggapan para gawan ng solusyon ang mga iligal na nakaparada pero bubulong pa na ‘wag sabihing galing sa barangay ang reklamo at kunyari ay may ibang nagreklamo.

Minsan, may mga hayagan pang itinuturo ang MMDA na siyang may gusto kahit walang nagrereklamo. Buti na lang at sanay na daw sina Go na maging ‘punching bag.’

Hinihimok ni Go ang mga barangay officials na maging ‘accountable’ sa kanilang mga kilos o ginagawa at ‘wag matakot, lalupa’t tama naman at dapat ang kanilang gustong ipatupad.

Batay daw sa karanasan nila ,sa umpisa lang naman magkakaroon ng resistensiya pero kalaunan ay nakikita din ng mga residente ang positibong epekto ng ginagawang pag-aayos ng barangay.

Ang problema, kung mismong barangay ang pasimuno dahil sa paghahambalang nila ng mga motorsiklo, kotse o barangay service vehicle na minsan nakabalagbag pa sa kalye. Paano sila pakikinggan ng mga residente pag ganun?Heheh.

***

Special greetings sa manager ng Four Seasons sa me SM by the Bay na si Alfred Domingo at mga staff niyang sina Ish Fadullo at Maria Ems. Nakakatuwa na sila ay laging nakangiti at maasikaso sa mga kostumer na nagpupunta doon.

Kahit sobrang dami ng tao ay ngagawa pa rin nilang personal na asikasuhin ang pangangailangan ng mga kostumer.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.