Advertisers
NGAYON na ang sandali ng katotohanan upang patunayan ng LBP na ito ay naiibang liga ng baseball sa bansa. Of course yan ay dahil sa pagsisikap nina Wopsy Zamora, Jose Pepe Munoz among others.
Tuloy ang ribalan ng UAAP 3-peat champion National University Bulldogs at runner- up De La Salle University Green Batters sa paghataw ng Liga Baseball Philippines ( LBP) Celebrity Cup Season 2 bilang mainer ng tripleheader games sa Felino Marcelino Baseball Stadium bukas ng gabi sa Taguig City.
Magsisimula ang bakbakan sa pagitan ng Dumaget Squad kontra Ateneo de Manila ika-8:00 ng umaga bilang opening game na susundan ng hatawang Katayama Baseball Academy( KBA )Stars kontra Muralla IX en punto alas tres ng hapon bago ang kauna- unahang night game sa liga ng NU vs DLSU ika-7:00 ng gabi.
Bago ang nightcap game ay paparada ang lahat ng koponang kalahok sa formal opening rites ng LBP Celebrity Cup ,5:00 ng hapon pagkatapos ng game 2.
“All roads to Marcelino diamond today in Taguig to witness the unique baseball spectacle from morning to dusk . First time tayo magkakaroon ng laro sa gabi after ng colorful opening ceremonies na dadaluhan ng mga tanyag na celebrities sa iba’t -ibang larangan. Tayo na.. LBP na!,” wika ni Liga Baseball Philippines Chairman Wopsy Zamora na katuwang si LBP President Jose Pepe Munoz sa pag- organisa ng naturang amateur/ commercial league na naka- padron sa bantog na Manila Bay Baseball League( MBBL) noong dekada ‘60.