Advertisers

Advertisers

Mike Defensor dinedma subpoena ng NBI

0 4

Advertisers

HINDI sinipot ng dating kongresista na si Mike Defensor ang patawag ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Mierkoles, Hunyo 10, 2026.
Sa halip, ang kanyang abogado na si Ferdinand Topacio ang humarap sa NBI. Sinabi ni Topacio na hindi na nila susundin ang anumang susunod pang subpoena, at hinikayat ang NBI na magsampa na lamang ng kaso kung may nakikita itong paglabag.
Ayon sa abogado, kung may isinasagawang imbestigasyon para sa posibleng kriminal na kaso laban kay Defensor, dapat na lamang itong dalhin sa korte. Aniya, handa silang depensahan ang kanilang sarili kung magkakaroon ng kaso, ngunit naniniwala silang ang mga subpoena ay ginagamit lamang upang gipitin o i-harass ang kanyang kliyente.
Sinabi rin ni Topacio na ang mga alegasyon ng pagtanggap ng pera kapalit ng pabor ay dapat patunayan sa tamang hukuman.
Ayon sa ulat, ang subpoena ay may kaugnayan sa 18 dating bodyguards ni ex-Congressman Zaldy Co at hindi sa alegasyong nangako si Defensor ng P5 milyon sa mga ito.
Noong nakaraang linggo, sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na may impormasyong natanggap ang ahensya na umano’y binayaran ni Defensor ang 18 katao upang magsabi ng mga paratang na may ilang personalidad na tumanggap ng pera mula kay Co.
Wala pang opisyal na pahayag ang NBI sa hindi pagdalo ni Defensor.
Ang 18 indibidwal na ito ay hindi rin dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa flood control scandal noong Lunes. Sa halip, nagtungo sila sa tanggapan ni Senator Robin Padilla at doon nagsagawa ng press conference.
Nagbabala naman si Senator Risa Hontiveros na maaaring maharap sa subpoena at show-cause orders ang mga ito dahil sa hindi pagdalo sa pagdinig na pinamumunuan ni Senator Erwin Tulfo.