Advertisers

Advertisers

DepEd: 1,378 public schools nawasak ng lindol sa Sarangani

0 7

Advertisers

INIULAT ng Department of Education (DepEd) na 1,378 pampublikong paaralan sa anim na rehiyon ang nagtamo ng pinsala matapos ang magnitude 7.8 na lindol sa Maasim, Sarangani noong Lunes, Hunyo 8.

Ayon sa DepEd, 8,740 silid-aralan ang naapektuhan, kabilang ang 5,378 na may bahagyang pinsala, 1,774 na may matinding sira, at 1,588 na tuluyang nawasak.

Nasira rin ang 193 water, sanitation, at hygiene facilities.



Patuloy pa ring suspendido ang klase sa 3,500 paaralan, habang 5,590 naman ang nakabalik na sa normal na operasyon matapos ang safety inspections.

Tinatayang kakailanganin ng DepEd ng halos P303 milyon para sa clean-up at pagkukumpuni ng mga nasirang paaralan. Sa ngayon, P21.9 milyon na ang naipamahagi para sa agarang clearing at repair operations.



Nagsasagawa na rin ng joint infrastructure inspections ang DepEd at Department of Public Works and Highways sa General Santos City at Sarangani, at psychosocial support sa mga apektadong lugar.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">