Advertisers
PARA kay Fr. Robert Reyes, “sinapian ng demonyo” si Alan Peter Cawatano. “Nilukuban rin ng ang buong institusyon ng Senado,” dagdag niya. Kailangan ang ritwal ng exorcism upang itaboy ang demonyo, aniya. Pagsuotin ng sako si Cawatano at buhusan ang abo upang lumayo ang demonyo na sumapi at umangkin sa kanyang kaluluwa, aniya.
Namutawi sa labi ni Fr. Robert ang mga maanghang na pangungusap sa isang pulong balitaan sa paglulunsad ng “Kingdom Keepers,” isang kilusan ng mga pari, pastor, at iba pang lider ispiritwal upang tutulan ang itinuturing na kawalan ng galang ni Cawatano sa paggamit ng pangalan ng Diyos sa kanyang mga pahayag sa madla.
Tinutulan nila ang masamang pulitika ni Cawatano at ang kanyang pangunguyapit sa poder. Itinuturing ng mga lider relihiyoso na isang masamang impluwensya sa pulitika ng bansa at naapektuhan ang kapayapaan at katatagan ng bansa dahil sa kanyang masamang tangka.
Pinangunahan ni Dr. Melba Padilla Maggay ang Freedom Keepers. Isang social anthropologist si Maggay at pangulo siya ng Institute for Studies in Asian Church and Culture, isang civil organization ng mga akademiko sa relihiyon.
Kasama ni Dr. Maggay ang ibang lider relihiyoso mula sa Simbahang Katoliko, Protestante, at Evangelical. Sama-samang nilang kinondena ang Iglesia ni Cristo (InC) na pinaniwalaan nila na nasa likod ng nabalitang kaguluhan sa Araw ng Kalayaan sa Biyernes. Tulad ni Fr. Robert na kilala sa tawag na “running priest,” naniwala sila ng sinusuportahan ng InC ang may plano na guluhin ang bansa at pabagsakin ang gobyerno ni BBM.
Sa harap sa media, namigay ang mga lider ng Kingdom Keepers ng kopya ng opisyal na pahayag tungkol sa sigalot sa liderato ng Senado kahit na nagbabala sila na kahit ang demonyo ay ginagamit ang “salita ng Diyos” sa Bibliya. Huwag maniniwala kay Cawatano, ito ang mahigpit nilang babala sa mga mamamayan.
“We decry the use of religious language and Scripture to place oneself above criticism and appear to be on the side of God. For the former Senate President to say ‘God does not doubt me,’ is not humility bur presumptuous blasphemy, equating his opinion of himself in the opinion of God. In Scripture, even the greatest kings and prophets were questioned, corrected, and called to account by God.”
“We are also deeply concerned that some senator-judges in the impeachment court are themselves facing serious allegations of corruption, bribery, and human rights violations. Six are under investigation for flood control anomalies. At least, one is already behind bars for graft and the nonbailable crime of plunder. Another is charges before the ICC from crimes against humanity and is a fugitive,” anila sa kanilang official statement.
Ikinalulungkot ng Freedom Keepers ang pagkiling ng lang senador kay Misfit Sara upang hadlangan ang impeachment trial. “The hasty attempt to change procedural rules to allow absent senators to vote online is a ploy to preserve the number needed to protect their allies and acquit VI Sara,” anila.
Nagpahayag sila ng pagtutol sa patuloy na pagtanggi ni Misfit Sara na lumantad sa publiko at sagutin ang mga paratang. “We also suspect that the continuing refusal of the VP, first beforer the House [of Representatives] and then the Senate, sending instead her phrasaical lawyers to technicalize the issues, is a sign to us that the charges may be true.”
Maliban kay Fr. Robert Reyes at Dr. Maggay, kasama rin sa Freedom Keepers sina Danny Agoncillo, Institute for Studies in Asian Church and Culture, Pastor Pazaro Pabiona, isang doktor; Boni Macaranas at Sam Ferrer, People’s Choice Movement; Ason Hipolito at Mila Vergara, Clergy for Good Governance; Allan Cristobal, Force for Good; Di Fernandez, Intervarsity Christian Fellowship; Alma Miclat, Fe Mangahas, Menchu Aquino Sarmiento, Julie Lluch, at Susan Macabuag, Church Cafe; Yna Reyes, Christian Writers’ Fellowship;
Ethel Balenton, Handmaids of Couples for Christ; Fabi Fajardo, Philippine Playback Theater; Fr. Manoling Francisco, Msgr. Manuel Gabrial, Msgr Jerry Bitoon, Fr. Nino Etulle, Fr. Flavie Villanueva, Fr. Benny Tuazon, Fr. Tirso Giponeo, Fr. Christian Buenafe, Fr. Daniel Franklin Pilario, Fr. Joselito Sarabi, Clergy for Good Governance; Thelma Nambu, Jonathan Nambu, Samaritana; Sami Tamayo, Danica Quijano, Dennis Ganalon, Jerome Bonita, Galen Carlos, Pete, Sadiasa, Institute for Studies in Asian Church and Culture.
***
NAHAHATI sa tatlong pangunahing puwersa ang mga maglalaban sa 2028: puwersa ni BBM; puwersa ng kadiliman mula sa Davao City; at puwersang tinaguriang pinklawan at dilawan ng pinamumunuan ni Leni Robredo. Tama iyong una pero mali ang ikalawa. Hindi na si Leni ang pinuno ng puwersang pinklawan/dilawan.
Nandiyan pa sila pero hindi nangingibabaw si Leni. Hindi naririnig dahil hindi siya nagsasalita sa mga mainit mainit na isyu ng bayan. Bukod diyan, wala siyang balak na sumabak sa halalang pampanguluhan sa 2028. Malinaw na ipinaubaya na niya sa iba ang liderato ng puwersang iyan. Hindi siya kailangan at hindi siya nangangahas na pamunuan ang isang puwersa na wala siyang hangad na pangunahan.
Tanging ang mga tila baliw na tagahanga ni Leni ang masigabo na isubo ang kanilang diyosa. Pero ayaw talaga ni Leni. Patuloy siyang tumanggi na baligtarin ang kanyang unang salita. Hindi talaga tatakbo. Mapilit lang ang kanyang fans’ club. Isa ito sa mga dahilan kaya nangahas na sumubo si Risa sa 2028. Kung ayaw niya, ako na lang. Ito ang pinanghahawakan ni Risa.