Advertisers

Advertisers

Senateflix III: Road to Perdition!?

0 29

Advertisers

Marami na ang nababahala sa mga kaganapan dulot ng kaguluhan at pagkalito ng mga tauhan ng Senado — sino ang kanilang ang susundin: si AP Cayetano o si Win Gatchalian na kapapanalo lang sa makasaysayang botong 12 mayoryang bilang para makamit ang Senate President Protempore at mandin ang pagiging Acting Senate President. Hindi kabilang ang puganteng si Bato dela Rosa at ang kaaresto lang na si Jinggoy Estrada.

Si Loren Legarda, ang dati’y Senate Protempore ay tigas pa ring di- sangayon sa naganap na bagong lideratong ito sa pagbubukas na kanilang (Gatchalian bloc) kaunaunahang sesyon. Ang mga tagasunod ng Duterte-Cayetano’s bloc ay gayun din ang mariing pagtutol at sa katunayan nitong Huwebes ay nagtayo na sila ng kanilang makeshift tent at entablado sa di kalayuan sa bungad ng Senado at GSIS building sa Pasay City…tipong dito sila magka-camp out hanggang sa pagbubukas ng Impeachment Trial ni Sara Duterte. Mabuti na lang at nitong Biyernes, mapayapang lumisan ang nagkampong magkasanib na grupong Duterte-Cayetano: salamat sa mahinahon at matiyagang mga miyembro ng PNP na walang tulog na vigilance in the occupied area.

Ang pakay umano ng nagsanib na anti-BBM group ay guluhin ang demokratikong proseso na inihahain ng Win Gatchalian bloc — para magtutloy-tuloy na ang mga nabinbing trabaho sa Senado ngunit ayaw ni Cayetano na hindi siya kabahagi sa lideratong nahablig sa kanya ni Gatchalian at sa katunayan ay pilit niyang iginigiit na “iyon lang daw ang solusyon to break the impasse?!” Ang siya’y maging co-signatory? Saan? (taong ng marami – pati na ang Koyang ninyo).

Ano ba ang blood compact nina Duterte at Cayetano na matigas pa sa sinimientong bakal ang pagkakabaon ng kanyang sampalataya sa deposed ex-president Duterte? Sa social media ugong na ugong ang kabi-kabilang tirada at patursada ng mga bayarang troll na ang kaguluhang nagaganap sa ating lipunan ay umano’y kapabayaan at kakulangan ng administrasyong Marcos na tigas namang pinabulaanan ni USec Claire Castro. Ang katunayan umano ay ang mga kaguluhang ito ay katha ng puwersang Duterte upang ilihis ang katotohanang inaasahang bubunghalit sa mata ng tao na ang impeachment process ay daan tungo sa ikabubulid ni Sara Duterte.

Sa ngayon ang mga Cayetano bloc ay nasa silent mode — pero ito ay inaasahan magpu-full blast na muli sa darating na sesyon — kumpleto sa pagpi-pilibustero ng kanyang mga senador na imbes makiisa sa nanalong Gatchalian bloc, ay tyak na ipipilit na muli ang “iligal” nilang pagkatalo lugar na magtrabaho na lang kaysa isulong ang kanilang kausa. Isang Presidential intervention for a special session pa ba ang isusulong ng iba para matapos na ang gulong ito na self-made to sustain their places in these powerful Senate?

Ang lahat ay may katapusan, maaring limot na ito ng Cayetano bloc and their minions!!! Everything has to come to an end…is this the road to that damning end?