Advertisers
NASAWI ang isang mataas na opisyal ng 128th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) nang pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay gabi ng Hunyo 12 sa Barangay Tuayan Mother, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur.
Ayon sa mga opisyal ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at kay Captain Steffie Salanguit, tagapagsalita ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region, ang biktima ay si Nguda Abdulrahim. Nasawi ito sa maraming tama ng bala na kanyang tinamo sa naturang atake.
Batay sa impormasyon mula sa mga tradisyunal na Moro datus at mga lokal na opisyal sa Datu Hoffer at mga karatig-bayan, mayroon mga kaaway si Abdulrahim sa Barangay Tuayan Mother.
Kilala ang lugar na pinamumugaran ng mga nalala-bing miyembro ng grupong teroristang Dawlah Islamiya na sangkot sa mga serye ng engkwentro laban sa mga sundalo ng 601st Infantry Brigade ng Philippine Army nitong mga nakaraang linggo.
Iniulat ng mga opisyal ng munisipyo sa pulisya na nasa loob ng kanyang maliit na bahay si Abdulrahim nang lapitan siya ng mga salarin at pau-lanan ng bala gamit ang mga assault rifle bago mabilis na tumakas.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pagpatay.