Advertisers

Advertisers

UMANGAT ANG SEABED SA LINDOL SA SARANGANI

0 3

Advertisers

UMANGAT ng dalawa ng metro ang seabed sa bayba-yin ng Glan kasunod ng magnitdr 7.8 na lindol sa ilang bahagi ng Mindanao noong Huny 8, 2026.
Kasalukuyan nang sinusuri ng PENRO-Sarangani ang “coastal uplift” o malaking pag-angat ng lupa sa naturang baybayin.
Dahil sa paggalaw ng lupa, nalantad sa hangin ang mga bahura at seagrass, kaya namatay ang mga yamang-dagat, na nagdudulot ng mabahong amoy sa mga residente ng Barangay Pangyan.
Ayon sa Phivolcs at DENR-MGB Region 12, umangat ng 2-metro ang sahig ng dagat at lumawak ang dalampasigan ng 200 metro.
Ipinakalat na ang protected area rangers sa Sarangani Bay para idokumento ang ka-buuang pinsala.
Maglulunsad ng pag-aaral sa nangyari ang isang scientific composite team sa Martes, Hunyo 16.