Higit 60,000 mag-aaral sa public school ang taun-taon ng makatatanggap ng libreng uniform at sapatos sa Parañaque
Advertisers
HIGIT animnapung libong estudyante ng pampublikong paaralan sa Parañaque City ang nakatanggap ng libreng school uniform at sapatos sa pagbubukas ng klase noong Hunyo 8,.
Ito ang unang pagkakataon na ang mga mag-aaral sa Kindergarten at elementarya sa lungsod ay makakatanggap ng libreng uniporme at sapatos sa mga paaralan.
Inaprubahan ng konseho ng lungsod sa pangunguna ni Konsehsl Pablo Olivarez II ang isang ordinansa na nagpapahintulot sa pagpapalabas ng pondo para sa programa.
Ang inisyatiba ay naglalayong pagaanin ang pinansiyal na pasanin ng mga magulang.
Ito ang programa na sumasalamin sa patuloy na pangako ng pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Edwin Olivarez na sumusuporta sa edukasyon at nagtataguyod sa kapakanan ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Ang tanggapan ni Mayor Olivarez at ang konseho ng lungsod ay nagsimulang mamigay ng mga uniporme at sapatos sa mga pampublikong paaralan sa dalawang distrito ng lungsod noong nakaraang linggo.
Ang programang ito ay bunga ng City Ordinance No. 2025-29 na iniakda ni Konsehal Pablo Olivarez II na sinuportahan ng 10th City Council, ay matagumpay na naipatupad sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Olivarez.
“Higit sa lahat, nais nating pasalamatan ang bawat Parañaqueño. Ang programang ito ay naging posible dahil sa maayos na pamamahala at sa buwis na inyong tapat na ibinabayad. Sa pamamagitan nito, naibabalik natin sa mamamayan ang mga serbisyong tunay na may pakinabang, lalo na sa ating mga mag-aaral at kanilang mga pamilya”. – sabi ni Mayor Olivarez
“Patuloy nating patutunayan na kapag ang pondo ng bayan ay ginagamit nang tama, maraming buhay ang natutulungan at maraming pangarap ang naaabo. Basta nasa tama, basta kaya…
Kasama ninyo kami!” – saad niya
PARAÑAQUE CITY COLISEUM, BUKAS NA SA PUBLIKO
Samantala natapos diin. ang naantalang konstruksyon noong panahon pandemya upang mabigyang-prayoridad ang pagtulong sa kanyang mga kababayan, tuluyan nang natapos at nabuksan na ang Parañaque City Coliseum sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Edwin L. Olivarez.
“Ang proyektong ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap at ng tamang paggamit ng pondo ng bayan. Taos-puso nating pinasasalamatan ang ating mga taxpayers na naging katuwang sa pagsasakatuparan ng pasilidad na ito para sa kapakinabangan ng bawat Parañaqueño”. – sabi ni Mayor Olivarez
“Patuloy tayong magtulungan tungo sa mas maunlad at mas progresibong Lungsod ng Parañaque”- dagdag ng alkalde
***
Anumang o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com