Advertisers
Bilang pakikiisa ng Bansang Pilipinas sa 11th year Celebration ng Our Ocean Conference na ginanap sa Bansang Kenya, naghandog ng isang talumpati si FPJ Panday Bayanihan Party List Representative Brian Poe hinggil sa kahalagahan ng karagatan sa buong mundo.
Sa kanyang talumpati inihayag ni Rep. Brian Poe ang National Statement ng Pilipinas sa 11th Our Ocean Conference, kung saan muling pinagtibay ng bansa ang matatag nitong pangako sa pangangalaga ng karagatan.
“Pagpapanatili ng yamang-dagat, at pagsusulong ng isang mas matatag at napapanatiling kinabukasan para sa susunod na henerasyon ayon pa sa nilalaman ng talumpati ng Mambabatas.
Kabilang pa sa naging talumpati ni Rep. Poe sa harap ng mga lider at kinatawan mula sa iba’t ibang panig ng mundo kung saan binigyang-diin ng Pilipinas ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang maprotektahan ang ating mga karagatan at matugunan ang mga hamon ng climate change at marine pollution. (Cesar Barquilla)