Advertisers

Advertisers

Kris Lawrence balak ulit ligawan si Katrina Halili

0 4

Advertisers

Kinaaliwan at ikinilig ng netizens ang emosyonal na tagpo sa vlog ni Katrina Halili matapos nitong ibahagi ang liham na iniwan sa kanya ng dating partner na si Kris Lawrence.

Sa vlog, makikitang magkasamang inihatid nina Katrina at anak nilang si Katie si Kris.

Habang nasa sasakyan, binasa ng aktres ang sulat ng singer kung saan nagpahayag ito ng pasasalamat sa muling pagkakataong makasama at makilala siyang muli nitong mga nakaraang buwan.

Ayon kay Kris, espesyal para sa kanya ang pagkakataong muling magkrus ang kanilang landas matapos ang maraming taon.

Naging emosyonal si Katrina habang binabasa ang bahagi ng liham na nagsasabing, “I’m not here to rush anything. I just want you to feel safe, safe to be yourself, safe to take your time, safe knowing that whatever happens, my intentions with you are genuine.”

Ibinahagi rin ni Kris ang paniniwalang baka hindi aksidente ang kanilang muling pagkikita at may dahilan kung bakit muli silang pinagtagpo ng pagkakataon.

Ngunit ang pinakanagpakilig sa maraming nanood ay ang diretsahang tanong ng singer sa dulo ng kanyang sulat: “Pwede na po ba akong manligaw sa’yo?”

Nilinaw rin ni Kris na ang hangarin niyang manligaw ay hindi dahil sa kanilang nakaraan o sa opinyon ng ibang tao, kundi dahil nais niyang magkaroon ng pagkakataong mapasaya si Katrina araw-araw.

Mas lalo pang kinilig ang mga netizens nang sabihin ni Katrina sa kanilang anak na si Katie ang tungkol sa planong panliligaw ng kanyang ama.

Agad naman itong sinuportahan ng bata, na tila masayang-masaya sa posibilidad na muling maging mas malapit ang kanyang mga magulang.