Advertisers

Advertisers

Baby sinakal-patay ni mommy

0 3

Advertisers

NASAWI ang isang sanggol na lalaki na isang buwan gulang nang sakalin ng sariling ina sa loob ng kanilang bahay sa Purok Adelfa, Barangay Tres de Mayo, Digos City, Hunyo 21, 2026.
Kinilala ang biktima sa alyas “Baby Cedrix”, habang ang kanyang ina ay nakilalang si alyas “Jocelyn”.
Batay sa mga paunang ulat, nakarinig ng malakas na pag-iyak ng sanggol ang mga kapitbahay kaya agad nilang sinuri ang sitwasyon.
Pagdating nila sa bahay, nakita nilang sinasaktan ng ina ang sanggol.
Sinubukan pang iligtas ng mga residente ang sanggol, ngunit huli na ang lahat.
Ayon sa ulat, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang bata na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang ina, habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang buong detalye at motibo sa insidente.
Posible siyang maharap sa kasong ‘parricide’ kaugnay ng pagkamatay ng kanyang anak.