Advertisers

Advertisers

PNP kinumpirma humiling ng security assistance ang Senado

0 8

Advertisers

KINUMPIRMA ng Philippine National Police (PNP) na nakatanggap ito ng request sa Senado para sa security assistance bilang parte ng preventive measures at contingency planning para sa mga nalalapit nitong opisyal na mga aktibidad.

Binigyang-diin naman ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. na walang namo-monitor na banta ang PNP kaugnay ng mga nasabing aktibidad.

Bilang paghahanda, nagsagawa ang PNP ng Security Survey Inspection (SSI) sa lugar at sa paligid ng Senado.



Kung saan ang nasabing inspeksyon ay magiging gabay sa nararapat na security deployment, coordination procedures, at contingency arrangements.

Siniguro naman ng PNP sa Senado at sa publiko na patuloy nitong titiyakin ang kapayapaan at kaayusan para sa kaligtasan ng lahat pati na ang pagiging propesyonal sa implementasyon ng batas.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">