Advertisers

Advertisers

PAGPAPALAKAS SA PAGHIKAYAT NG INVESTORS AT PAGLIKHA NG MGA TRABAHO, ISINUSULONG NG INFANTA LGU

0 3

Advertisers

Nagsisimula nang bumuo ng Local Economic Development Plan ang Pamahalaang Bayan ng Infanta, Quezon upang makahikayat ng mga mamumuhunan at makalikha ng trabaho sa bayan.
Ayon kay Mayor Lord Arnel Ruanto, nasa 20 percent ng mga residente ang walang trabaho batay sa datos ng kanilang Comprehensive Household Information System.
Sinabi ng alkalde na inaasahang darami ang oportunidad sa hanapbuhay sa oras na pumasok ang mga bagong negosyo sa Infanta.
Dagdag pa niya, ipinatutupad ng kanilang pamahalaan ang patakarang “Start Now, Comply Later” upang mapabilis ang pagnenegosyo sa bayan.
Ayon pa kay Ruanto, prayoridad ng lalawigan ang mas mataas na employment rate kaya patuloy na pinapalakas ang pagpapalago ng trabaho para sa mga mamamayan.
Hinimok ng alkalde ang mga negosyante na mamuhunan sa kanilang lugar kung saan meron silang Business friendly policy.
Dahil dito hindi natutulog ang puhunan ng mga negosyante at makakalikha pa ito ng mas maraming trabaho.(Jocelyn Domenden)