Advertisers

Advertisers

Defensor, misis at 2 anak swak sa qualified human trafficking

0 4

Advertisers

KINASUHAN na ng National Bureau of Investigation (NBI) ng ‘qualified human trafficking’ si dating Congressman Mike Defensor, asawa niyang si Julie at dalawa sa kanilang mga anak, kaugnay ng pagsalakay sa isang KTV bar at hotel sa Pasig City noong Abril.
Isinampa ang reklamo matapos ang pagsalakay ng NBI noong Abril 21 sa Chicago KTV Bar at Bleu Hotel sa Pasig City, kungsaan mahigit 50 kababaihan ang umano’y sekswal na pinagsasamantalahan.
Ayon sa NBI, nagsimula ang kanilang imbestigasyon Abril 7 matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang confidential informant.
Kasama rin sa reklamo ang anak nilang sina Michaela at Miguel Gabriel Defensor, pati ang iba pang opisyal ng mga kumpanyang namamahala sa mga establisimyento.
Kinasuhan din ng human trafficking ang isang Lawrence Tan, na ayon sa NBI ay naabutan sa loob ng Chicago KTV Bar nang isagawa ang raid.
Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na bilang chairperson ng Cliffpoint Development Corp., alam ni Defensor ang nagaganap na sekswal na pagsasamantala sa bar at hotel. Inakusahan din siyang pumayag sa mga pagbabago sa gusali na nakatulong sa human trafficking.