Advertisers

Advertisers

Ikalawang tranche ng toll hike sa SLEX at STAR tollway ipapatupad sa Hulyo 1

0 6

Advertisers

INANUNSYO ng Toll Regulatory Board (TRB) ang ikalawang tranche ng taas singil sa mga toll sa South Luzon Expressway (SLEx) at Southern Tagalog Arterial Road (STAR) simula Hulyo 1, 2026.

Ang nasabing adjustment ay naaprubahan mula sa consolidated petitions sa mga taon ng 2018, 2020, 2022 at 2024.

Matatandaang unang ipinatupad ang first tranche ng taas singil noong Enero.
Ang SLEX ay may habang 36 kilometro mula Muntinlupa City hanggang Santo Tomas, Batangas.



Habang ang STAR Toll ay mayroong habang 42 kilometers mula Santo Tomas patungong Batangas city.

Narito ang taas singil mula Alabang patungong Calamba para sa Class 1 ay P137; habang ang Class 2 ay P274 at Class 3 naman ay P411.



Habang ang Calamba patungong Sto. Tomas ay P37 para sa Class 1; P74 naman para sa Class 2 at P111 para sa Class 3.

Sa STAR Tollway ay para sa Sto.Tomas patungong Lipa ay mayroong P64 para sa Class 1; P128 naman para sa Class 2; P192 naman para sa Class 3 habang ang Lipa patungong Batangas City ay P57 para sa Class 1; P114 para sa Class2 at P171 para sa Class 3.



Mula naman sa Sto. Tomas patungong Batangas City ang Class 1 ay P121; Class 2 ay P242 at Class 3 naman ay P363.