Advertisers

Advertisers

Yormilk 2.0 inilunsad; programa pinalawak pa ni Mayor Isko

0 4

Advertisers

Pinalawak pa ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang Yormilk o Libreng gatas para sa mga mag-aaral.

Mula sa dating day care, pinalawak ito sa kinder hanggang grade 1 ngayong araw kasunod ng

Mas pinalawak pa ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang mga pakikinabang sa programang libreng gatas para sa mga batang mag-aaral.

Ito ay matapos pormal na ilunsad ngayong araw ang Yormilk 2.0 ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso kasama si Vice Mayor Chi Atienza sa Dr. A. Albert Elementary School, Sampaloc, Manila.

Ayon kay Mayor Isko, mula sa day care at dating 21,000 benepisyaryo ng programa pinalawak na ito ngayon sa mahigit 60,000 mag aaral kung saan kabilang na ang Kinder Hanggang Grade 1.

Layunin ng nasabing programa na maitaguyod ang kalusugan at wastong nutrisyon ng mga batang mag-aaral sa lungsod sa pamamagitan ng pamamahagi ng gatas.

Binigyang diin naman ni Yorme sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng na tosabing programa hindi lamang para sa nutrisyon ng mga mag- aaral kundi ang tulong sa kabuhayan ng programa sa mga dairy farmer.

Una nang inilunsad ng Manila Department of Social Welfare ang Yormilk Program sa Baseco, noong Pebrero bilang isa pang mahalagang hakbang sa patuloy na pagpapalakas ng nutrisyon at pangkalahatang kalusugan ng mga batang Manileño. (Jocelyn Domenden)