Advertisers

Advertisers

Mga poste ng Meralco sa Tondo, walang silbi hindi sumisindi ang ilaw

0 4

Advertisers

Ilang hilera ng nagtataasang poste ng ILAW ng MERALCO sa bahagi ng Tondo district 2 ang walang SILBI dahil sa hindi sumisindi ang ILAW umaga man, hapon at gabi.

Ang ilan sa mga POSTE ay natapat pa sa mga elementary school tulad ng Melchora Aquino elementary school, Francisco Benitez at Lakan Dula sa kahabaan ng kalye Solis.

Ilan dekada na daw hindi gumagana at sumisindi ang mga ILAW na ito.

Lumalabas na ito ay props lamang at display nguni’t walang SILBI.

Sinabi NG MGA residente na tutal ay nasa harapan ito NG MGA eskwelahan ay gawing na lang flagpole ang mga POSTE NG ito para magkaron ng SILBI.

Maganda nga namang flagpole ang mga ito dahil matataas at matatayog ang mga POSTE at ito ay gawa pa sa aluminyo at stainless.

Kitang-kita pa tuloy sa malayo ang ating bandila tuwing flag- raising activity kung kaya’t idonate na lang daw sana ito ng MERALCO.

Nasayang lang anila ang oras, abala at perang ginugol at ginastos sa proyektong ito na kadiliman din pala ang idudulot.

Maliban sa mga POSTE NG ILAW, may mga istruktura na naman ginagawa ang nasabing ahensiya at ito ay ang pagsesemento na pagtatayuan naman daw ng panibagong mga POSTE.

Halos bawat kanto NG MGA kalye ay nilagyan nito ngunit hanggang dito lang pala ito dahil wala pa ring POSTE NG ILAW na nakitang nakatayo.

Puro umpisa ngunit walang tinapos, maaaring nakuha na nito ang budget kung kaya’t basta na lang iniwanan, pera-pera lang kahit walang resulta.

Hanggang sa kasalukuyan ay ganon pa rin ang proyekto kung kaya’t ang suhestiyon ng mga residente ay gawin na lang itong mesa ng dama at patungan ng chess board.

Ang iba naman ay ginagawa na lang itong patungan ng kanilang iniinom na alak at pulutan.

More or less ay malibang man lang sila at para pakinabangan naman ang palpak na proyekto.

Meron namang iba na ang gusto ay tibagin ang struktura upang lumuwag naman daw ang bangketa.

Wala nga namang silbi ito at pawang props lang at display. Sayang lang daw ang ginastos sa walang katuturang bagay, paano naman kaya ito lumulusot eh obvious na obvious naman.

May kinalaman kaya dito ang LGU o kasabwat na rin nila ang nasabing ahensiya.