Advertisers

Advertisers

Ate Gay, May Magandang Balita: Wala Na ang Bukol sa Ilong at Leeg Matapos ang MRI Result

0 2

Advertisers

By Mercy Lejarde

Nagbahagi ng magandang balita ang komedyanteng si Ate Gay tungkol sa pinakabagong update sa kanyang kalusugan.

Sa isang social media post, ibinahagi ni Ate Gay ang larawan niya habang nakahiga sa hospital bed kasama ang kanyang doktora. Kalakip nito ang masayang balita matapos lumabas ang resulta ng kanyang MRI.

“Magandang balita! Wala na akong bukol sa ilong at leeg. Result ng MRI. Yeheyyyy! Thank You, Lord Jesus,” ani Ate Gay sa kanyang post.

Dagdag pa niya, apat na lamang ang natitira niyang immunotherapy sessions, na isinasagawa kada 21 araw, bago matapos ang kanyang gamutan.

“4 na lang na immuno (every 21 days) ay tapos na… Salamat po sa dasal at sa mga anghel ko,” dagdag pa niya.

Samantala, sa post ni Ate Gay ay nagpahayag ng saloobin ang aktres na si Heart Evangelista.

Ani Heart, “God is good. Thank you, Lord!!!! She showed the world once again how miracles can happen… just believe.”

Amen to that, Heart. Big korek ka diyan, dear Heart.

Matatandaang noong Setyembre 2025 ay na-diagnose si Ate Gay, na may stage 4 cancer.

***

Mas lalong kinasasabikan ang primetime TV kasunod ng premiere ng “Coco Martin’s Sigabo” at nalalapit na pag-ere ng “Someone, Someday,” kaya naman ganun din kainit ang naging pagsalubong ng mga Kapamilya sa mga bida ng dalawang ABS-CBN series sa ginanap na Primetime Bida motorcade noong Linggo (Hunyo 28).

Umapaw ang mainit na pagmamahal ng mga taga-Pampanga matapos dagsain nila ang mga lansangan para batiin ang “Sigabo” stars na sina Hari ng Aksyon sa Ating Henerasyon na si Coco Martin at Prime Actress na si Julia Montes, at ang mga bida ng “Someone, Someday” na sina Asia’s Superstar Kathryn Bernardo at Multimedia Powerhouse na si James Reid.

Taos-puso namang nagpasalamat si Coco sa walang humpay na suporta at pagmamahal ng Kapamilya at sa pagkakataong muling mabalik ang sigla ng sama-samang panonood ng mga pamilyang Pilipino sa telebisyon tuwing gabi.

“Napakasarap sa pakiramdam naming lahat na muling bumalik ‘yung mga tao sa panonood ng telebisyon. Sana lahat ng mga palabas, teleserye, pelikula, sana panoorin natin lalong-lalo na ‘yung gawang Pilipino kasi para sa ating lahat ito. Ginagawa namin ito para sa inyo, kaya maraming salamat po talaga sa suporta at pagmamahal ninyo,” sabi ni Coco sa naunang “TV Patrol” interview.

Mas maraming Pilipino na ang makakanood ng “Coco Martin’s Sigabo” sa iba’t ibang platforms kung saan available ito Lunes hanggang Biyernes ng 8 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at iWant. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

***

Naghatid ng good vibes ang aktres at vlogger na si Alex Gonzaga sa kanyang mga followers matapos niyang magbahagi ng nakakaaliw na post sa Instagram.

Ibinida ni Alex ang edited photo ng kanyang mister na si Lipa City Vice Mayor Mikee Morada, na inedit upang magmukhang si Jerry Yan, ang original na gumanap bilang Dao Ming Si sa hit Taiwanese series na Meteor Garden.

Sa caption ng kanyang post, pabirong sinabi ni Alex, “Dahil inggit na inggit ako sa mga naka-attend ng concert, niloloko ko na lang ang sarili ko na I have my own Dao Ming Si from Lipa.”

Ang tinutukoy ni Alex ay ang matagumpay na “F4 Forever 1st World Tour” concert na ginanap kamakailan sa Philippine Arena, kung saan muling nagsama-sama ang iconic Taiwanese boy group na F4.

In fairness, gwapo rin talaga ang mister ni Alex na si VM Mikee Morada, kaya naman swak na swak ang bansag sa kanya na ‘Dao Ming Si of Lipa’.