Advertisers

Advertisers

PH isa nang upper middle-income country — PBBM

0 5

Advertisers

Isang malaking tagumpay para sa ekonomiya ng bansa ang pag-angat ng Pilipinas sa upper middle-income country status.

Ito’y ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos igiit na bunga ito ng epektibong economic policies ng administrasyon, tuloy-tuloy na paglago ng ekonomiya, at mga repormang ipinatupad sa nakalipas na apat na taon.

Ayon kay Pangulong Marcos, inaasahang magpapataas ang bagong katayuan ng kumpiyansa ng mga mamumuhunan na magreresulta sa mas maraming negosyo, trabaho, at oportunidad para sa mga Pilipino.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Gayunman, iginiit niyang ang tunay na sukatan ng pag-unlad ay kung mararamdaman ito ng bawat pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng mas maayos na pamumuhay.

Matatandaang opisyal na itinaas ng World Bank ang Pilipinas sa upper middle-income country matapos umabot sa 4,850 US dollars ang gross national income per capita ng bansa noong 2025, mas mataas sa itinakdang 4,636 US dollars na threshold. (Gilbert Perdez)