Advertisers
By NONIE V. NICASIO
NGAYONG buwan ng July ay magbabalik sa paggawa ng sexy project ang hunk actior na si Benz Sangalang.
Nang nakahuntahan namin kamakailan si Benz, ito ang naibalita niya sa amin.
Aniya, “Papasundutin ako ni boss Vic (del Rosario) ng VMX project, tito. Bale, habang naghihintay ako ng bagong serye.
“So, bibigyan muna po ako ng project dito, papagawain ako ng movie muna sa VMX, four months na kasi akong wala shooting, e. Bale, isa pong remake ang gagawin ko.”
So, pansamantala ay balik muna siya sa pagpa-sexy? “Opo, tito,” matipid na tugon pa ng talent ni Jojo Velsoso.
May title na ba ito at cast?
Pahayag niya, “Mayroon na pong title, bale Sex Drive ang title nito.
“Ito yung dating kina Maui (Taylor), Katya (Santos) at Wendell (Ramos). Ang gaganap ngayon sa kanila ay ako, si Aliya (Raymundo) at Apphle Celso. Si Direk Bobby Bonifacio po ang director namin.”
More than a year na nang gumawa ng sexy movie si Benz sa VMX. Ito ang pelikulang “Sabik” with Angela Morena at Athena Red.
Late last year ay naging aktibo si Benz sa pagsabak sa mainstream TV. Siya ay napanood sa “Totoy Bato” series ng TV5, kaya sinabi ng barakong aktor na stop na muna siya sa paggawa ng sexy projects at gusto niyang ituloy-tuloy na ang pagsabak sa action.
Anyway, ngayong balik VMX na si Benz, tiyak na maraming fans niya ang mag-aabang sa kanyang new project na siguradong may hatid na kakaibang pampagana at pampa-init sa viewers.
Pero, manibago kaya siya sa muling pakikipaglampungan sa movies?
“Sa tingin ko ay hindi naman po ako maninibago, handa akong makipagsabayan sa mga bagong VMX actress at actors na napapanood po natin ngayon,” seryosong wika pa ni Benz.