Advertisers

Advertisers

Vice Ganda trending bilang ‘Memerimar’

0 2

Advertisers

By Anne Venancio

Trending sa social media si Vice Ganda matapos ang kanyang nakakatawang “MEMErimar” parody sa It’s Showtime segment na “Laro, Laro, Pick” noong Miyerkules, July 1.

Todo-transform ang Unkabogable Star bilang “MEMErimar” suot ang iconic Marimar-inspired outfit at rumampa pa sa entablado na may matching cha-cha entrance. Nakisabay rin sa parody sina Vhong Navarro bilang Sergio, Jhong Hilario bilang Angélica Santibañez, at Jugs Jugueta bilang Inocencia.

Mas lalo pang ikinatuwa ng fans nang ibahagi ni Vice ang behind-the-scenes ng kanilang skit sa social media.

“Kayod na naman ang accla today as MEMErimar!” biro ni Vice sa kanyang post, kasunod ang isa pang nakakatawang caption tungkol sa fancam na ginawa ng production staff para sa kanyang transformation.

Bumaha naman ng positibong reaksiyon mula sa netizens, na pinuri ang opening scene, ang nakakaaliw na parody, at ang chemistry nina Vice at Vhong bilang MEMErimar at Sergio.

Muling nag-viral ang It’s Showtime sa hatid nitong creative na parody, kulitan, at good vibes na agad umani ng atensiyon online.