Advertisers
By ARCHIE LIAO
Katakot-takot na pamba-bash ang inabot ni Kim Chiu kaugnay ng naging komento niya kay Ryzza Mae Dizon sa isang segment ng kanilang noontime show.
Nagsilabasan din ang iba pang lumang clip kung saan may insensitive remark din ang chinita actress tungkol sa mga pusa.
Naging usap-usapan din ang naging cold treatment umano nito sa engkuwentro nila ng isang kilalang movie journalist.
Sa lahat ng isyung hinahanap,tila dedma naman ang attitude ng actress sa kontrobersya kahit may mga nagmamahadera na iginigiit na humingi siya ng public apology.
Sa halip, mga cryptic posts ang nabasa sa kanyang IG story.
Ang isang voiceover na ibinahagi niya ay paalaala sa pagiging matatag niya na hindi kayang patumbahin ng anumang pagsubok.
Pag she-share niya: “Seems like you forgot again. Let me remind you: You’ve made it through things you thought would break you. You’ve stood alone in rooms where no one noticed your pain. You’ve smiled with a heavy heart just to make others comfortable.You’ve been the strong one for so long, you started believing that you don’t need anyone. You forgot how far you’ve come. You forgot that it’s okay to rest, that you don’t have to carry it all. If no one’s told you lately, I’m proud of you.For holding on, for still trying even when it’s hard. You’re not behind, you’re not weak, you’re human and that’s enough.”
May ibinahagi rin siyang payo at inspirational message mula kay COO ng isang AI powered platform na si Angela Wilson na “Let Them.”
Sa mensahe, sinabi nito na dati ay nababahala siya sa mga impresyon ng ibang tao tungkol sa kanya kung saan naisip niya na laging magpaliwanag. Pero at some point, na-realize niya hindi niya responsibilidad kung anuman ang iniisip ng ibang tao sa kanya. Sey pa niya, tanggap niya na sa kuwento ng mga tao ay posibleng maging kontrabida siya.
Hirit pa niya, kung sakali raw na lumabas siyang masama, dapat daw ay hayaan na lang daw ang mga ito.Sa huli, alam daw naman ng Diyos ang kanyang niloloob.