Advertisers

Advertisers

SAN NICOLAS HEALTH CENTER, BUKAS NA!

0 4

Advertisers

Matapos ang limang buwan matapos simula ang rehabilistsyon, ang San Nicolas Health Center na bagong renovate ay opisyal nang binuksan para sa mas pinabuting public health delivery.

Pinangunahan ito ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, kasama sina Vice Mayor Chi Atienza at Manila Health Department City Health Officer Officer-in-Charge Dr. Grace Padilla.

“We promised to build this in six months and today is the 5th month, we are ahead of one month,” ani Mayor Isko.

Patuloy ang pamumuhunan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga programang tumutugon sa Minimum Basic Needs, kabilang ang pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan.

Siniguro ng Pamahalaang Lungsod na hindi lamang ang San Nicolas Health Center kundi marami pang mga health center sa lungsod ang is assays at lalagyan ng mga kinakailangang medical equipment upang higit na mapalakas ang community-based healthcare.

Layunin nitong mailapit ang de-kalidad na serbisyong medikal sa bawat komunidad, mabawasan ang pagsisiksikan sa mga ospital, at matiyak na ang mga pasyenteng higit na nangangailangan ng agarang atensiyong medikal ay mabibigyan ng sapat na oras at pangangalaga.

Tiniyak din ng alkalde na patuloy ang pag-aayos at pagtatayo ng health center sa lungsod gayundin ang paglalagay ng mga takdang gamit upang malakas pa ang serbisyong medikal sa publiko. (Jocelyn Domenden)