Advertisers

Advertisers

SARA SUMIPOT SA SENADO, ‘DI HUMARAP SA IMPEACHMENT COURT

0 3

Advertisers

IGINIIT ni Vice President Sara Duterte na mananatili siyang matatag sa kabila ng kinahaharap niyang impeachment trial sa Senate Impeachment Court

Dumating si Duterte sa Senado 12:00 ng tanghali upang makipagpulong sa kanyang mga abogado na bumubuo sa defense team.

Sa maikling panayam sa media, sinabi ni Duterte na sa gitna ng matinding pag-atake at pagdurusa, masasaktan man siya ay hindi siya magpapasakop o magpapatalo.



“In this bloodbath and bludgeoning, I will be bloodied but unbowed,” wika ni Duterte.

Gayunman, hindi na nagbigay ng karagdagang pahayag ang Bise Presidente, at hindi rin siya sumagot sa mga tanong ng media.



Bago dumating si Duterte sa press conference, sinabi ni Atty. Michael Poa, defense spokesperson, na hindi dadalo ang Bise Presidente sa ikalawang araw ng impeachment trial dahil mayroon pa itong ibang nakatakdang mga gawain.

“Yes, I can confirm na dadating si Vice President Sara Duterte in a few minutes, but she will only be here for a meeting with the defense team,” wika ni Poa sa mga mamamahayag.



“Meron kaming napag-usapan na magkikita kami today dito sa holding room ng defense team para magpaliwanag ang ilang bagay-bagay, but she will not be attending the hearing, the scheduled hearing this afternoon,” dagdag pa niya.

Umalis si Duterte 1:14 ng hapon matapos ang pulong sa kanyang mga abogado. (Mylene Alfonso)