Advertisers

Advertisers

HULI SA AKTO

0 7

Advertisers

PERSONAL na nirepaso nina Bureau of Custom Enforcement and Security Service (ESS) Director Noel Estanislao at MICP District Commander Ernest Pracale Jr. ang P137M halaga ng mga nasabat na iligal na vape sa Manila International Container Port (MICP).

Kung anu-anong palusot ang ginamit—mula sa mga damit, underwear, at kitchenware—para lang itago ang kargamento galing China! Malinaw ang babala ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno na walang sasantuhin ang batas.

Agad na pananagutin ang mga nagpupuslit ng regulated goods upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko at ang kaban ng bayan, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Kasama rin sa larawan ang masipag na Executive assistant to the Enforcement and Security Service DJ Rigor. (BONG SON)