Advertisers

Advertisers

Lance Raymundo, pinuri ang co-host sa Mrs. Universe Philippines na si Yna Angela Uy

0 18

Advertisers

By NONIE V. NICASIO

SUCCESSFUL ang hosting ni Lance Raymundo sa Grand Coronation Night ng Mrs. Universe Philippines 2026 sa The Manila Hotel Tent City, recently. Ang co-host ni Lance rito ay ang magandang Supermodel Universe 2025 na si Yna Angela Uy.

Suot ni Lance ang eleganteng tux na Chancellor 9000, naging makulay ang gabi na tinaguriang a night of elegance, empowerment, and inspiration sa pangunguna ng President and National Director nito na si Ms. Charo Laude.

Ipinahayag ni Lance na proud siya sa nasabing hosting job niya.

“My Mrs. Universe Philippines hosting stint is actually one of my 2026 highlights so far! Sobrang smooth and natural yung flow ng buong gabi. It’s also because sobrang vibe kami ng partner ko na si Supermodel Universe 2025 Yna Angela Uy.

“Kahit may mga moments na need namin i-stretch ang spiels… sobrang spontaneous ang exchange namin onstage, as well as yung engagement namin sa audience. No one feels the passage of time. Biglang makikita na namin yung hand signal ng stage director na okay na to proceed. And I also saw the replay online… I think we really look great together, hindi ba?”

Pinuri ni Lance ang kanyang newbie co-host sa nasabing beauty pageant.

Aniya, “This is actually her very first hosting job, pero hindi ko naramdaman yun at all. Parang ilang years na kaming hosting partners ang dating, e. I guess some people have in-born skills talaga.”

Ayon pa kay Lance, target daw niyang mas maging visible sa mga beauty pageants sa ‘Pinas.

“I’m so lucky to be known as an International host, being the very first Filipino to host Miss Universe India, Miss Grand Bangladesh, Miss Teen Universe, Miss Teen International, Mrs. Universe, Mister India and many other pageants all around the globe. Pero bilang isang Pinoy, I would also like to expand my hosting portfolio here in my homeland. So, I someday hope to be involved in Miss Universe Philippines and other Philippine based pageants,” sambit pa niya.

Incidentally, may dalawang movies na aabangan din kay Lance na parehong under kay Direk Nijel de Mesa.

“I’m doing two projects for NDM+ right now. Yung horror/comedy na Ghost Project and yung comedy/fantasy movie na Taipei Tanders with icons Marissa Delgado, Nanette Inventor and Eva Darren.

“Sa Ghost Project, ang role ko ay nepo baby na itinakwil ng magulang dahil batugan. First time kong maghanap ng work kaya namasukan ako billang assistant sa isang construction company. Yung unang project ko ay sa isang building na may multo. Sina Moymoy Palaboy, Dennis Padilla, Regine Angeles, Analyn Baros, Toffi Santos ang ilan sa cast nito.

“Sa Taipei Tanders naman… since fantasy yun… sina Tita Marissa, Nanette and Eva, biglang nag-transform at bumalik ang mga itsura nila noong dalaga pa sila. Ang role ko rito ay si Brodie, na naging kaibigan ni Ms. Nanette (young version)… so, yung twist is eventually bumalik sa original na anyo ang tatlo… pero hanggang doon lang muna ang puwede kong ikuwento,” nakangiting wika pa ni Lance.