Advertisers
KINANSELA ng International Criminal Court (ICC) Trial Chamber III ang nakatakdang July 14 status conference sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ipabatid ng mga partido at iba pang kalahok na wala nang partikular na isyung kailangang talakayin sa kasalukuyang yugto ng proceedings.
Dahil dito, hindi na itinuloy ng hukuman ang pagdinig na nakalaan sana para sa mga procedural matters.
Mananatiling nakatakda ang susunod na status conference sa Setyembre 16, habang ang pormal na paglilitis sa kasong crimes against humanity laban kay Duterte ay magsisimula sa Nobyembre 30, 2026 sa The Hague.
Sa mga nakaraang pagdinig, itinakda rin ng ICC ang mga pre-trial deadlines para sa pagsusumite ng listahan ng mga testigo at ebidensya ng prosekusyon at depensa bilang paghahanda sa paglilitis.