Advertisers

Advertisers

Pinoy ‘guilty’ sa pagpatay sa Pinay na misis sa US

0 2

Advertisers

NAPATUNAYANG guilty si Larry Millete, 44 anyos, sa kasong first-degree murder kaugnay ng pagkawala at pinaniniwalaang pagpatay sa kanyang asawang Pinay na si Maya “May” Millete sa San Diego, California.
Nawala si May noong Ene-ro 2021 at hanggang ngayon ay hindi parin natatagpuan. Isa siyang civilian employee ng United States Navy.
Batay sa ebidensiyang ini-harap ng prosekusyon, pinaniniwalaang pinatay ni Larry ang kanyang asawa sa loob ng kanilang tahanan matapos itong magpahayag ng intensiyong makipagdiborsiyo.
Hinala rin ng mga imbestigador na itinapon niya ang bangkay sa isang lugar na hindi pa natutukoy.
Sa paglilitis, lumabas din na humingi si Larry ng tulong sa isang mangkukulam upang maibalik ang pagmamahal ng kanyang asawa.
Natuklasan din ng mga awtoridad ang ebidensiyang nag-uugnay sa kanya sa poison hemlock, isang nakalalasong halaman.
Samantala, iginiit ng depensa na ang mga naging kilos ni Larry ay bunsod ng matinding depresyon at ng kanyang hinalang may ibang karelasyon ang kanyang asawa.
Matapos ang anim na linggong paglilitis at halos limang oras na deliberasyon ng hurado, hinatulan si Larry ng first-degree murder.
Wala pang inilalabas na petsa ang korte para sa paghatol ng parusa sa kanya.