Advertisers

Advertisers

Puregold’s OPM Con Generations 2026 , punong-puno ng pasabog

0 5

Advertisers

By ARCHIE LIAO

Gumawa na naman ng kasaysayan ang Puregold OPM Con na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Hulyo 11.

Punong-puno ng pasabog ang pinakahihintay na musical event ng taon.

Dinayo ito ng mga suki ni Aling Puring at ng mga tagapagtangkilik ng orihinal na likhang Pinoy.

Highlight ng concert ang collab ng SB 19 at ng rock royalty na si Bamboo na inawit ang “Tatsulok.”

Sobra namang nakaka-senti ang pagsasanib-puwersa ng Ben and Ben at Armi Millare ng Up Dharma Down sa bersyon nila ng “Tadhana.”

Mapapa-LSS ka naman sa kolaborasyon nina Flow G at Chito Miranda ng “Harana.”

Patok din ang naging duweto nina Skusta Clee at Jay Durias ng “Ikaw Nga”.

Panalo rin ang kumbinasyon ng P-pop style ng Alamat sa iconic vocals ni Jett Pangan nang awitin nila ang “Salamat.”

Iba rin ang ‘high’ na hatid ng performance ng girl group na KAIA kasama si Sam Concepcion.

Nagpasiklab naman ang XONARA sa debut ng kanilang upcoming single na “Pula.”

Hindi rin nagpahuli sa pagpapakitang-gilas ang G22.

Paldong-paldo rin ang musical numbers na handog ng alternative rock band na Sunkissed Lola.

Kasama rin sa nag-perform sina Kiyo,

Yuridope at ang Bataan Choral Artists.

Ang Puregold OPM Con Generations 2026 ay isang pagpupugay sa talino ng mga musikerong Pinoy at sa kanilang mga ambag na awitin na humubog sa iba’t-ibang henerasyon ng Original Pilipino Music.(OPM)

“The Big Dome has long been a home to some of OPM’s most iconic acts and unforgettable performances and seeing it come alive once again for Filipino music is something Puregold will alwavs be proud of,” ani Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold Price Club Inc.”OPM has the power to bring generations together. Puregold is deeply grateful to the artists, fans, communities, partners, and evervone who helped turn this vision into a true historical moment for OPM,” dugtong niya.

Pinatunayan din ng landmark event ang patuloy na pagtangkilik ng mga Pinoy sa mga likhang sariling atin na adbokasya rin ng Puregold .

Para sa updates,i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, o mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube, at i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at X, at @puregoldph sa TikTok.