Advertisers
KAKAIBA ang kwentong ito, at baka akala niyo ay tungkol ito sa isang konsehal diyan sa QC ang ibabahagi ko sa inyo ngayon.
Oo, tulad ng isang QC councilor at kahit hawig ang kanilang pangalan, ibang kaguluhan ang kinasangkutan nitong istorya ni Ka Rani. Kakaiba sa konsehal ng QC na tinatawag na destabilizer.
Destabilizer din naman maituturing itong si Ka Rani, dahil sa loob ng dalawampung (20) taon, sa kabundukan ng Cagayan siya namuhay kasama ang mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.
Wala siyang kinalaman noong una sa mga perwisyong NPA. 27 anyos lamang siya noon, at isang simpleng mamamayan, nang masumpungan siya ng grupo ng kalalakihan habang nagsasaka. Nagtanong ang mga ito tungkol sa lugar nilang nais puntahan, at dahil sa simpleng kabaitan, itinuro at sinamahan pa ni Rani ang mga ito.
Tatlong araw ang kanilang tinahak bago marating ang lugar na hinahanap ng mga kalalakihan, at ng matagpuan ito, malaman ni Rani na mga NPA pala ang kanyang mga tinulungan. Di na siya nakabalik, dahil ginawa na rin siyang rebelde ng mga ito.
Mabuti na lamang at nakalabas siya, nagbalik-loob sa pamahalaan at ipinaliwanag kung paano siya napabilang sa mga komunistang-terorista.
Sa ngayon, ibang landas na ang tinatahak ni Ka Rani, hindi na armado, kung di taga-sulong ng kapayapaan na dala dala ang pag-asa, pagbabago at oportunidad para sa mga kagaya niya. Pagkakataon na bawiin muli at itaguyod ang buhay na nawala sa kanya sa mahabang panahon.
Ang kanyang paglalakbay bilang isang high-ranking member ng NPA tungo sa muling pagiging ordinaryong mamamayan, ay sumasalamin sa hangarin ng pamahalaan na bigyan ng pagkakataon ang mga dating rebelde na manumbalik sa mapayapang pamumuhay at makabalik sa tamang lipunan ginagalawan.
Ang pinagdaanan ni Ka Rani ay sumasalamin din, na kahit anong dilim ng iyong nakaraang, ay may liwanag pa rin, na matutunghayan para sa pagbabago at muling pamumuhay nang tama.
Ang mga Gaya ni Ka Rani ngayon ang siyang humihikayat sa natitira pang kakarampot na miyembro ng CPP-NPA-NDF na may magaantay pa sa kanilang pagkakataon para makapag-bago.