Advertisers

Advertisers

Malakanyang, pag-aaralan ang pagbubukas ng ‘green box’ ng tax records ni VP Sara kung hihilingin ng Senado

0 3

Advertisers

HINDI pa natatanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang anumang kahilingan na buksan ang selyadong berdeng kahon na naglalaman ng mga talaan ng buwis ni Vice President Sara Duterte at ng kanyang asawa, abogadong si Mans Carpio, sinabi ng Palasyo nitong Lunes.

“Wala pa pong naibibigay na ano mang request, sulat sa Pangulo,” sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa isang briefing nang tanungin kung papayagan ni Marcos ang naturang kahilingan.

“‘Pag dumating na po ang kanilang paghiling, ito po ay aaralin at tignan po natin kung ano ang magiging aksyon ng Pangulo patungkol po diyan,” dagdag pa niya.



Sa katapusan ng linggo, sinabi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na dapat lamang buksan ang kahon na may nakasulat na awtoridad ni Marcos. Si Lacson ay nagsisilbing isa sa mga senator-judges sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Duterte.

Sinabi ni Castro na lahat ng mga lehitimong dokumento na maaaring magbunyag ng katotohanan ay maituturing na mahalaga.



Samantala, nang tanungin kung sinusuportahan ng Malacañang ang mabilisang impeachment trial para sa bise presidente, muling iginiit ni Castro na hindi makikialam si Marcos sa proseso sa Senado. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">