Advertisers
ISA ang Freedom from Debt Coalition (FDC) sa mga laksa-laksang civil society organization na nagsulputan na parang kabute pagkatapos bumagsak ang diktadura ni Ferdinand Marcos Jr. noong 1986. Dahil nag-iwan si Marcos ng utang panlabas na abot sa $26 bilyon, minarapat ng mga lider aktibista at akademiko na buuin ang FDC upang mabawasan ang masamang epekto ng malaking utang at maging maayos ang takbo ng pambansang kabuhayan.
Epektibo ang FDC sa kanilang panawagan na pamamahala sa pananalapi ng bansa ngunit ito’y nawala sa eksena ng sumama sa pamahalaan ang ilang mataas na opisyales ng FDC. Natulog ang FDC ng kung ilang taon. Nabuhay ito kamakailan ng biglang lumobo ang pambansang utang at muling ibinalik ng bagong liderato ang panawagan na mag-ingat sa malaking utang utang.
Muling lumantad ang FDC noong Martes at sa isang pulong balitaan, inihayag ng mga bagong liderato nga FDC kasama ang lider ng ilang civil society group ang matinding pagkabahala sa paglaki ng pambansang utang na abot sa P18.55 trilyon sa katapusang ng Mayo ngayong taon. Isang malaking patibong ang malaking utang at kung hindi ito pinamamahalaan ng maayos, wala ng matitirang pera upang tugunan ang pangangailangan sa ilang serbisyo tulad ng edukasyon, kalusugan, pagbabago ng panahon (climate change) at pagtatanggol ng bansa.
Kinumpira ni Rovic Obanil, FDC secretary-general, na muling bumabalik ang FDC sa kanilang adbokasiya upang bigyan ng solusyon ang lumalaking utang panloob. Kasama sa kanilang adbokasiya ang pagbasura sa PD 1177 ng diktadurang Marcos kung saan kailangan itabi muna ang pambayad sa mga utang bago hatiing ang salaping nakolekta bilang buwis sa mga gastusin ng gobyerno. Kinumpirma ni Obanil ang plano makipag-uganayan sa mga lider ng Kongreso upang ibasura ang dekreto ni Marcos.
***
UMAAPAW ang tiwala ng Prosecution Team at hindi nag-atubili na ilaglag bilang saksi si Zuleika Lopez at isang nangangalang Capt. Belinda Bello sa impeachment trial ni Misfit Sara sa Senate impeachment court. Dahil sa pasya ng prosekusyon, hindi na haharap sa Senado bilang hukuman si Zuleika, chief of staff ni Misfit sa OVP, at Bello, kasalukuyang House Legislative Security Bureau executive director.
Sa pagharap sa mga mamamahayag sa isang pulong balitaan, inihayag ni Private Prosecutor Lorna Kapunan na nagpasya ang pangkat ng mga tagausig na hindi na nila hihingin sa Senate impeachment court ang pagtawag kay Zuleika at Bello. Ibinatay ang desisyon ng Prosecution Team sa testimonya at katibayan na iniharap ng dalawang saksi mula sa NBI – John Mark Calilung at Jeremy Lotoc.
Sa katapusan ng ikalimang araw ng Senate impeachment trial noong Martes, sinabi ni Kapunan: “It is the wisdom of the public prosecutors, as expressed through this representation, that we find it totally unnecessary, redundant and a surplusage to still present Atty. Zuleika Lopez and, as well, Capt. Belinda Bello.”
May tatlong layunin ang pangkat ng mga tagausig kung bakit nais nilang paupuin si Lopez sa witness stand Senado. Una, paaminin si Zuleika na nasa loob siya House detention center nang usalin ni Misfit Sara ang mga malulutong na mura at pagbabanta kay BBM, asawa, at Martin Romualdez. Ikalawa, palitawin na naroon ang mga kagawad ng media at narinig ang mga sinabi ni Misfit. Ikatlo, kumpirmahin ni Lopez na totoo ang video.
Ayon kay Kapunan, hindi na kailangan si Lopez sa unang pakay dahil inamin na ni defense counsel Mark Vinluan na totoong nangyari ang pulong balitaan kung saan naroroon si Misfit at Zuleika at inusal ni Misfit ang mga malulutong na mura at banta sa buhay ni BBM, asawa, at Romualdez. “No need to present Atty. Lopez for this purpose,” aniya.
“Totally unnecessary because, why? Because the defense themselves used the very same video, that exhibit, in their defense when they showed Atty. Zuleika crying and allegedly complaining about the violation of her human rights,” aniya Kapunan. “So by their own admission, there is no question about this video,” aniya.
Sinabi ni Kapunan na tatawagin sana si Bello upang suportahan ang mga ebidensya sa online press conference ni Misfit. “The testimony of Capt. Belinda Bello is merely corroborative. She would have been presented only to corroborate the fact that there was a transfer order made in the detention center and that transfer order had been the subject of the video or press conference of November 23, 2024,” ani Kapunan. Ngunit hindi na rin siya kailangan.
“We have reduced trial dates by lessening our presentation on this article by two witnesses,” ani Kapunan. “We have decided from the evidence presented and from everything in consideration that we will not present these two witnesses,” aniya.