Advertisers
KAHIT si NBI director Melvin Matibag ay labis na naguluhan. Wala siyang binanggit na pangalan ng ninuman. Ang tanging binaggit niya ay ang plano ng NBI na imbestigahan ang bilyong bilyong pondo ng 2019 Southeast Asian Games (SEAG). Mistulang isang puta na hindi binayaran at ng tinakbuhan ng customer na nagtatalak si Alan Bitter Cawatano.
Labis ang pagtatanggol sa sarili. Sobrang defensive. May pagbabanta na kung may imbestigasyon sa hinihinalang katiwalian sa pondo ng SEAG, gagalaw umano ang minorya sa Senado upang siyasatin ang flood control scandal.
May malaking problema si Cawatano. Nasaan ang minorya na sinasabi niya? Nakakulong sa Payatas Jail si Junggoy at Rodente. Nagtatago si Bato. Nakikita namin ang katwiran ng mga minoryang senador na nasa laya: bakit susuportahan si Cawatano sa problema niya na siya mismo ang gumawa? Maiiwan silang magkapatid sa laban.
Maraming isyu ng katiwalian na hindi ganap na nakalkal. Nauna kasi ang pahayag ni Gongdi na “walang katiwalian” sa pondo ng SEAG. Pumasok si Ombudsman Samuel Martires na kilalang tuta ni Gongdi. Sinundan niya ang pahayag ni Gongdi na “walang kalokohan” sa pondo.
Ang buong akala ni Cawatano ay sapat na si Gongdi at Martires para lumusot siya sa anumang gusot. Hindi pala. Base sa salita ni Matibag, may lumutang na bagong ebidensya na maaaring maging batayan ng panibagong pagsisiyasat sa proyekto kung saan tumanggap si Catawano, bilang chair ng Organizing Committee, ng pondo na abot sa P11.5 bilyon para sa palaro.
Tagumpay si Cawatano na itago ang mga detalye dahil nasa poder pa si Gongdi noon. Ngayon wala na si Gongdi sa poder at nakabilanggo sa piitan ng ICC, nagsulputan na ang maraming detalye. Ayon kay Matibag, bumuo na ang NBI ng isang task force upang siyasatin ang mga iregularidad sa pondo ng SEAG.
Hindi ipinaliwanag ni Matibag ang mga detalye na nasa kamay ng NBI. Ngunit mukhang sapat na ang mga iyon upang lubhang mabahala at kabahan si Cawatano. Halimbawa: may lumabas na detalye kung saan abot sa P1.5 bilyon ng pondo ang napunta sa foundation na nakapangalan kay Cawatano. Sa batas, ito ang tinatawag na “smoking gun evidence,” o katibayang lantad upang malaman kung sino ang salarin.
May mga ulat na hindi nagsumite si Cawatano ng financial statement kung paano ginasta ang pondong P11.5-B na nasa kamay niya. Walang malinaw na audit sa pondo dahil walang ulat si Cawatano na magsisilbing basehan ng anumang konklusyon.
May mga balita na kakutsaba niya ang ilang malapit na kaibigan mula sa Taguig City at sila umano ang nangasiwa at humawak sa pondo kahit hindi mga kuwalipikado. Sa maikli, mukhang natisod ni Matibag ang kahinaan ni Cawatano at ito ang dahilan kung bakit nagpuputak at nagbabanta kay Matibag. Tinatawanan lang siya ni Matibag.
***
HUWAG maniwala sa salita ni Camoteng Robin na komunista siya. Hindi niya ganap na nauunawaan kung ano ang komunista. Hindi siya Komunista o sosyalista. Mangmang siya.
Hindi kwalipikado na maging komunista si Camote. Kahit ang namayapang Jose Ma. Sison ay nagwika na hindi tatanggapin ng Communist Party of the Philippines si Camote dahil hindi siya disiplinado. Dahil galing siya sa showbiz, pakawala ang buhay ni Camote at hindi niya maunawaan ng mga pananagutan ng isang kadre na komunista.
Hinihingi sa bawat komunistang kadre ang disiplina at pagiging masinop sa mga gawaing pulitikal. Kailangan marunong siyang umugnay sa masa at nag-aaral ng teorya na itinuro ni Karl Marx tulad ng teorya sa dialectical materialism at labor theory of surplus value. Hindi kakayanin ng limitadong pag-iisip ni Camote ang mga iyan.
***
ISINULAT namin ito noong 2020, ngunit may saysay pa;
REALITY CHECK. CHINA’S military is flooding social media of video clips about its military might. But China has limited war experience. It’s doubtful if it has sufficient and sustainable military doctrines, unlike the U.S., which has been involved in every conceivable modern war. In war, it’s a battle of doctrines.
Its war experience is limited to its limited participation in the Korean War in the 1950s. Its “human wave” infantry attacks of its army is an outmoded doctrine that would not stand a ghost of a chance in modern warfare. Also, its war experience is limited to border skirmishes with its neighbors like India, Vietnam, and Russia.
Moreover, its subjugation of the ethnic Tibetans of Tibet Autonomous Region and Uighurs of Xinjiang Autonomous Region could not be considered modern warfare.
China has a cultural – or even civilizational – mindset to produce clones of anything substandard so long as it’s cheap, handy, and easily available. It has never learned to strive for the best or to be on top of the line. Now, they want to rule the world.
It’s doubtful if China has its modern version of doctrine of overwhelming force, which the U.S. used in the Gulf War in the late 1990s, or the doctrine of supreme mobility, which although its did not have the gargantuan multinational force in the 2000s, was used efficiently to subdue Iraq.