Advertisers
KINAILANGANG putulan ng daliri ang isang pulis nang hatawin ng bakal na tubo ng isang lalaki sa loob mismo ng presinto sa Tondo, Maynila.
Ang pulis, posibleng maapektuhan ang trabaho bilang pulis dahil sa pinsalang tinamo sa kaniyang index finger.
Sa ulat, mapanonood sa CCTV footage ang 30-anyos na si Patrolman Marianeto Gabumpa, Jr. na inaalalayan ng kaniyang mga kabaro pa-labas ng Smoky Mountain PCP nitong Hulyo 14.
Sinabi ng pulisya, 5:00 ng madaling araw nang mada-kip nila ang nasabing lalaki nang ireklamo ng trespassing ng isang tracking company sa lugar.
“‘Yung claim ng guwar-diya is nagha-hallucinate. Tapos kung anu-ano raw ang sinasabi, sa pulis lang daw siya susuko. Ang kuwento, bisita ‘yun sa itaas ng bundok, lasing o ano man, nalaglag patungo roon sa area ng binabantayan ng guwardiya,” sabi ni Police Captain Ryan Jay Defeo Balagtas, Smokey Mountain PCP Commander ng MPD-1.
Habang naghihintay sa complainant at kaanak ng lalaki, bigla itong nagwala.
Sa isang kuha, makikita pa ang salarin na sinubukang tumakas. Nagtulong-tulong ang ilang pulis para maipasok ulit ito sa presinto.
Pagkadala sa kaniya sa likurang bahagi ng presinto, nakakuha ito ng bakal na tubo at pinalo niya ng ilang beses si Patrolman Gabumpa.
Ilang beses tinamaan ang pulis sa kaniyang ulo at daliri.
Nagtulong-tulong ang tatlong pulis upang tuluyang makuha ang tubo mula sa sa-larin.
Nakalabas na ng ospital si Gabumpa nguni’t kinailangang putulin ang kaniyang daliri nang magtamo ng matin-ding pinsala.
Naputol ang index finger ng pulis, na ginagamit sa pagka-labit sa gatilyo ng baril.
“Right-handed kasi siya eh… trigger finger ‘yung naputol sa kaniya dito mismo. So kapag pinilit niya ‘yun, hindi na siya magiging effective nu’n. Kasi baka makatama siya ng ibang tao, hindi na siya accurate,” sabi ni Balagtas.
Susubukan nila kung maaaring mag-apply ang biktima ng Total Physical Permanent Disability (TPPD) sa NAPOLCOM para makuha ng maaga ng kaniyang pensyon.
Nasa kustodiya ng Raxabago Police Station ang salarin, na mahaharap sa patong-patong na reklamo kasama ang disobedience, trespassing, direct assault at frustrated homicide.