Advertisers

Advertisers

InnerVoices, nakipagsabayan sa Parokya ni Edgar

0 9

Advertisers

By ARCHIE LIAO

Well-applauded ang naging performance ng all-male group na InnerVoices sa ginanap na back-to-back show with Chito Miranda ng Parokya ni Edgar sa Hard Rock Cafe, Manila noong Hulyo 16.

Ayon nga sa band leader at founder na si Atty. Rey Bergado, may clamor daw sa kanila kaya muling nag-perform ang grupo.

Bukod pa riyan, malalim daw ang pinagsamahan ng grupo at maganda naman ang kanilang naging pansamantalang paghihiwalay kaya walang naging setback sa pagbabalik nila sa sirkukasyon.

“Di naman kami biglang tumigil. Siyempre, pinag-usapan naming mabuti bago kami naghiwalay, “aniya . “Actually,

hindi naman kami nawala.It’s just that hindi na kami puwede lagi tulad ng dati. From time to time, nami-miss pa rin namin ang isa’t-isa. Nagkikita pa rin kami,” dugtong niya.

Dahil nasimulan na ang pagbabalik ng grupo sa espesyal na okasyon, hindi naman niya isinasara ang muli nilang pagsasama nila in succeeding shows.

“There certainly would be another one.Kung kailan, di ko masagot. Basta, abang-abang lang, “pahayag niya.

Sa kaso naman ng bokalistang si Patrick Marcelino, sobra siyang na-excite sa muling pagkikita nila ng co-band members.

“Parang it’s like a reunion.Tinawagan lang ako ni Attorney tapos nag sked agad siya ng rehearsal.Siyempre, na-miss ko ring mag-perform with the group,” ani Patrick.

“Mga 2 or 3 days ang preparation for the rehearsal,” pahabol niya.

During their hiatus, nag-pokus naman si Atty.Rey sa kanyang trabaho at sa mga bagay na hindi niya nagagawa noong busy siya sa pagma-manage ng grupo.

“Iyong mga hindi ko napupuntahan, pinuntahan ko silang lahat.Iyong mga old friends pati iyong family na di ko napupuntahan, inisa-isa ko sila. Nang maubos ko na silang lahat, tinawagan ko na sila(ang grupo),” pagbabahagi niya.

Ayon naman kay Patrick, dream come true para sa kanila ang makasama si Chito Miranda na lead vocalist ng Parokya ni Edgar.

Naging oportunidad din ang hiatus ng grupo para mag-concentrate siya sa kanyang negosyo.

“Nag-expand ako ng venture. Di naman siya malaking tulad noong kay Atty.May binuo rin akong band,” pagbibida niya.

Masaya rin niyang ibinalita na may upcoming song siya na orihinal na komposisyon ni Atty.Rey.

Ang Innervoices ay binubuo ni Atty. Rey at nina Patrick Marcelino (vocals), Rene Tecson (guitar), Rey Bergado (keyboard), Alvin Herbon (bass), Joseph Cruz (keyboard & vocals), at Joseph Esparrago (drums, percussion, at vocals).