Advertisers
Inatasan ni Manila Police District Director PBGEN. Arnold Santiago ang kanyang cyber team at 14 police stations na arestuhin ang mga indibiduwal na naghahasik ng pagbabanta ng kaguluhan sa mga paaralan sa Maynila.
Napag-alaman na matapos mabasa ang mga post na nagbabanta ng mga kaguluhan sa mga paaralan, iniatas ni Santiago ang group chat sa social media kasama ang school officials, parents, security personel at police “for quick response on threats.”
Ang nasabing pagbabanta ay ipinost umano sa social media, kung saan binibigyan ng babala ang mga estudyante at guro sa Araullo High school at siyam pang paaralan sa Maynila na may mangyayaring panibagong insidente tulad ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban.
“Sabi ni Gen Santiago na gumawa ng group chat ang mga station commanders with all schools principals and teachers and in any case, plan also internal security that is well- coordinated with all persons inside the school premises, kasama na po dito ang walang lalabas sa classroom at i-lock ang mga pintuan hangga’t hindi nagbibigay ng hudyat na safe na buksan” ayon kay MPD public information officer PMajor Philipp Ines.
Bukod sa pagsasagawa ng mga drills, tiniyak naman ni Ines na nakahanda ang MPD na bigyan ng proteksiyon ang mga bata kung sakaling may mnagyaring katulad sa Tacloban shooting incident out.
“Naka bantay po ang inyong kapulisan at hinihikayat na rin po ang sinumang may alam na pagbabantang maghasik ng gulo o tako sa ating mga paaralan na makipag-ugnayan. Hahabulin po namin kayo (PNP) sang man lugar kayo naroon” pahayag pa ni Ines. (JERRY S. TAN)