Advertisers
UMABOT sa mahigit na Php 55M ang naging gastos sa construction ng cauldron o kaldero na ipinagawa kaugnay sa pagdaraos ng SEA Games dito sa bansa noong 2019 sa New Clark City Athletic Stadium, Capaz Tarlac.
Grabe ang halaga ng salapi na nagmula sa kaban ng bayan sa konstruksyon ng pinakamahal na kaldero sa mundo. Multi-billion na anomalya sa konstruksyon sa naturang sports facilities na pinagdausan ng puno ng kontrobersiya na SEA Games.

Ang budget sa kaldero ay binusisi na noon pa man ni dating Senador Franklin Drilon, na sinuportahan ni Sen. Risa Hontiveros upang maimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee.
Palibhasa’y ang nakaupong presidente noon ay si Duterte, kung kayat nadedma lamang ang panawagan na imbestigasyon ng dalawang senador at tuluyan ng nabalewala.
Ang alimuom ng baho ng maanomalyang pagpapagawa ng kaldero ng mga organizer ng SEA Games ay naghatid pa sa multi-bilyong raket.
Mula sa Php 55M halaga na kaldero ay sinisipat ng mga imbestigador ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga nagastos sa naturang sports event kabilang dito ang mga inihain na pork kikiam sa almusal ng mga atleta na karamihan pa naman ay mga Muslim mula sa Malaysia at Indonesia. Malaking kahihiyan ito para sa ating bansa!
Ang itinuturing na pinakamahal na kaldero ay tila “can of worm” na nagbukas sa hinihinalang grabeng anomalya tulad ng pagpapagawa ng mga istruktura na walang kaukulang bidding at ang paglilipat ni Digong ng Php 15B General Appropriation Act (GAA) budget mula sa kanyang Confidential and Intelligence Fund sa event organizer na Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).
Ang PHISGOC ay isang non-profit, non-stock private foundation na may koneksyon kay Sen. Alan Peter Cayetano, na naging tagapamahala sa SEA Games at pinagkalooban ng Php 15B na pondo sa halip na sa Philippine Sports Commission (PSC).
Saludo ang SIKRETA sa NBI sa matapang na paghahanap ng katotohanan sa SEA Games anomaly.
NBI DIR. MATIBAG VS PASINGAW AT PAIHI SA IBAAN!
Makarating din sana sa kaalaman ng NBI Regional Office at NBI Batangas District Office ang talamak na nakawan ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) at petroleum product sa bayan ng Ibaan na kanugnog lamang ng San Jose na hometown ni NBI Dir. Melvin Matibag.
Tinatayang aabot lamang sa 15 minutes ang distansya ng ancestral home ni Matibag sa Ibaan na kinaroroonan ng “pasingaw” at buriki/paihi ni alyas Sgt. Bunny at ng amo nitong Chinese military spy.
Ang kuta ni alyas Sgt. Bunny na kilala din ng mga kapwa nito kriminal sa alyas Sgt. Mercado ay nasa tinatayang 300-500 meters ang layo sa Ibaan Exit at STAR Tollway. Kapag manggagaling sa Batangas City via STAR ay nasa kaliwa ito at nasa kanan naman kapag magmumula sa Poblacion Ibaan.
Anong meron sina alyas Bunny aka Sgt. Mercado at tila manhid sina Batangas PNP Acting Provincial Dir. Col. Oliver Ebora, Ibaan Police Chief Maj. John Leo Cuasay at Mayor Jane Casas upang umaksyon sa mga reklamo ng mga natatakot na mga residente. Si Batangas CIDG Provincial Officer Lt.Col. Bryan Dexter Andulan, bakit wala ding paki? May karugtong…
***
Para sa komento: CP# 0966 406 6144