Advertisers

Advertisers

SONA ANO KAYA NGAYON

0 3

Advertisers

SA July 27, muli na naman natin maririnig ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bong Bong’ Marcos (PBBM) at inaasahan nating lahat eh sana may maganda namang sasabihin ang Pangulo.

Sa nagtataasang presyo ng halos lahat ng produkto lalo na ang power o’ kuryente halimbawa, lahat tayo ay apektado. Lalo na ang presyo ng petroloyo, na tila wala nang pag-asang bumaba pa. Siyempre pagtaas niyan, taas na ang lahat ng bilihin, kasama ang ating pagkain. Ang mga ganitong problems sana ang bigyan ni PBBM ng mga kasagutan. Ano ang balak nilang gawin para masolusyunan ang mga pabigay sa buhay natin.

Maganda nga ang unang mga pahayag ni Palace Press Officer Claire Castrola dahil ang SONA raw sa taon na ito ay walang kagarbo-garbo. Walang ‘celebrity directors’ na magdidirect nito o’ kaya’y star-studded performances Gaya noong mga naunang SONA.

So simpleng SONA lang at pag-uulat ni PBBM ang mangyayari. Ibig sabihin, simple rin kaya ang ating maririnig. Di gaya ng dati? Marami ng borloloy ang seremonya, marami din papuri sa mga gumalaw at nagpapoging mga cabinet member.

Siguro, huhulaan ko muna, simpleng paghahayag ng Pangulo ng mga dapat gawin at mga nagawa na. Parang iuulat lang ano ang nagawa ng Marcos Administration sa nakaraang taon. At maari, mga dapat pang gawin ng pamahalaan.

Maganda rin siguro natin marinig, ang kanilang magandang gagawin sa mga ibinisto ni PBBM sa huli niyang SONA na marami ang nakapagnakaw sa flood control projects. At sino sino silang ipakukulong.

Pero, siguro para sa nakararaming Filipino, ang dapat na iulat ni Pangulong Marcos ay paano o’ ano ang kanyang gagawin sa kahirapang nadarama nating lahat. Maiibsan ba ang ating paghihirap sa natitira pang dalawang taon ng Administrating Marcos?

Ang SONA na darating ay siguradong maghuhubog ng pananaw at pagtingin ng taong bayan sa kasalukuyang administration kung wala itong babanggiting solusyon sa kahirapan.

Sa bansang ito kasi, patuloy na kakaunti ang nakikinabang sa yaman ng Inang Bayan, at marami pa rin ang mahihirap na umaasa lamang sa magandang pagpapatakbo ng pamahalaan kung sino man ang Pangulo.