Advertisers
NGATOG at torete na ang dumekwat ng kampeonatong si Emanuel Navarete matapos masaksihan ng Mexicano ang balasik ng kamao ng ating pambatong si Charly Suarez nang pabagsakin ng Pinoy pride ang American fighter na si Manuel Avila sa unang round pa lang ng bakbakan nitong nakaraang weekend sa Estados Unidos..
Si Navarette (40-2-1)ang me hawak ng titulo sa WBO Superfeatherweight ay nakatunggali si Suarez nitong nakaraang taon pero nauwi sa kontrobersyal na desisyong no- contest kung kaya napanatili ng Mehikano ang koronang dapat at maliwanag na sa Pinoy fighter ang titulo kung kaya naudlot ang pagiging lehitimong world champ ni Charly.
Bunga nito ay ang malawakang protesta kung kaya pumanig kay Suarez ang desisyong rematch na malamang ay bago ang ‘ber months ay ilalarga na ang kanilang tunggali muli..
“ We are waiting for world championship fight against Navarette, LORD willing,” wika ni Suarez na sobrang ipinamalas ang tunay niyang lakas upang paluhurin si Avila na naghatid ng mensahe ng kahandaang dadaigin si Navarete para sa unification belt ng IBO at WBO na tiyak nang iuuwi ni Suarez ang titulo pagsapit ng sandali ng katotohanan.
Mismong ang korner na ito ang nakasaksi sa preparsyon ng ating bida mula training hanggang bago lumipad pa- tungong Estado Unidos para tuparin ang misyong iuuwi ang world championshipna muntik nang nangyari kundi naudlot at niluto ng mga tokang opiayal ng bakbakang Suarez- Navarete.
Sadyang may pasensya ang Pinoy tulad ni Suarez na handang maghintay sa destiny na tatanghaling world champion sa takdang panahon at the expense of Navarete.
Ang napipintong tagumpay ni Charly ay makakamit niya sa husay ng kanyang handler na trainer- coach Delfin Boholst, suporta ng kanyang hanay sa AFP ,boxing community, at sambayanang Pilipino.. Mismo! ALL THE BEST CHARLY SUAREZ!