Advertisers
NABIGO ang kampo ni Misfit Sara na tibagin si NBI director Melvin Matibag sa pagharap niya noong Martes sa impeachment trial sa Senado bilang hukuman. Hindi nagharap ng makabuluhang katwiran ang depensa upang ganap na durugin si Matibag sa testimonya na plano ni Misfit na ipapatay si BBM.
“Tumawid mula sa banta sa plano na ipapatay ang ating Pangulo,” ani Matibag bilang sagot sa mga tanong sa paglilitis. Sa puntong ito, kumbinsido kami na hindi kaya ng mga mamahaling abogado ni Misfit Sara na ipagtanggol siya sa Senado at publiko dahil walang malinaw na estratehiya kung paano gigibain ang NBI director.
Pilit nilito ng Romualdo Vinluan, abogado ni Misfit, si Matibag sa mga tanong na patibong, ngunit hindi bumigay si Matibag. Nilinaw ni Matibag na nanggaling mismo kay Misfit Sara ang banta na ipapatay niya si BBM at may kinontrata si Misfit na mamamatay tao upang gawin ang pakay. Hindi ito mapasubalian ni Vinluan.
Hindi bumigay si Matibag sa pain ni Alan Bitter Cawatano sa baluktot na obserbasyon niya na tila pinalawak ni Matibag ang poder ng NBI at inimbestigahan ang hindi dapat imbestigahan. Sa huli, hindi napalawig ni Cawatano ang talakayan.
Para sa amin, nanatili kami sa aming paninindigan na oras na para palitan ni Misfit ang mga abogado niya. Walang siyang pakikinabangan sa kanila at ilulubog lang siya.
***
MULING nabuhay ang namayapang Sen. Jose “Ka Pepe” Diokno sa katauhan ng anak na si Kin. Manuel “Chel” Diokno, tagausig sa impeachment trial ni Misfit Sara sa Senate impeachment Court. Sa kanyang pagharap sa Senado, nilinaw ni Chel na may poder ang Senado bilang hukuman sa usaping impeachment ni Misfit Sara.
Nanguna si Chel sa pagpapaliwanag na may poder ang Senado bilang hukuman na mag-isyu ng subpoena upang hingin ang mga financial record ng mag-asawa Carpio (Sara at Manash) tulad ng mga bank record, dokumento mula sa Anti Money Laundering Council (AMLC) at Bureau of Internal Revenues, at iba pang financial document.
Dahil binigyan daan ng Senado bilang hukuman ang mosyon ng prosekusyon mula sa Camara de Representante, masusuri at maihahayag ang lalim at kabuuan ng pananalapi ng mga Carpio. Inakusahan si Misfit Sara ng pagkakamal ng hindi maipaliwanag ng yaman dahil sa paglaki ng kabuuang yaman bilang alkalde ng Davao City at pangalawang pangulo.
Tinanggihan ni Chel ang katwiran ng kampo ni Misfit na “‘fishing expedition” umano ang hiling ng prosekusyon na mag-isyu ang Senado bilang hukuman ng subpoena upang hingin ang financial record ng mag-asawang Carpio. Sa pagharap sa pagpapatuloy ng impeachment trial noong Lunes, ikinatwiran ni Chel na batay ang hihinging subpoena sa mga ebidensya na iniharap sa naunang House inquiry kay Misfit.
May mga batayan ang mga hinihinging financial record, ani Chel. “Malayo po ang fishing expedition sa ginagawa ng prosecution dito po,” aniya. “Your Honors, the fishing expedition argument in our view is totally untenable.”
Binasa ni Chel ang mga alegasyon sa Article II ng Articles of Impeachment at nagawa ni Misfit ang “culpable violation of the Constitution and betrayed the public trust” nang kumamal siya ng hindi naipaliwanag na yaman habang nasa poder. Makikita ito sa pagkakaiba ng kanyang kinita at impormasyon na nakapaloob sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) para sa mga taong 2022-2024.
“Ultimate facts are basically the essential factual elements that make up a party’s cause of action or defense,” ani Diokno. “In our case, we are alleging first of all, unexplained wealth. And based on the jurisprudence, the elements of unexplained wealth, the factual elements are: amassing unexplained wealth manifestly disproportionate to one’s lawful income and earnings, during one’s incumbency as a public official.”
Dagdag niya: “So na-satisfy po namin ‘yung requirements na pag-allege ng ultimate facts or essential factual elements sa tatlong bagay na po ito.” Hindi nanghuhula ang prosekusyon sa kanilang iniharap na mosyon, ani Chel.
“Yun pong fishing expedition po, ay halimbawa, may subpoena na baka sakali meron tayong makita,” aniya. “Maalala po ninyo, during the hearings before the Committee on Justice, the executive director of the Anti-Money Laundering Council testified and produced documents showing that from 2007 up to the present, 6.7 billion pesos ang dumaan po sa account ni Vice President Sara Duterte.”
Dagdag pa niya: “So may basehan po tayo para ipalabas ang bank records. We are not just guessing that there is something there, because the AMLC itself has confirmed that there were covered and suspicious transaction reports submitted to them in those amounts that I mentioned.”
“To know whether a government official has amassed unexplained wealth, we must look at the entire incumbency of that official starting from day one; we look at their SALN, we look at all the income that he or she has earned both lawful and not, and from there we make a determination whether there was unexplained wealth or not,” aniya.