Advertisers
PAG-AARALAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nararapat na adjustment sa pamasahe ng mga public utility jeep.
Ito ay sa gitna ng panawagan ng grupong MANIBELA (Federation of Drivers, Commuters, and United Transportation Terminals) at ang nakabinbin na petisyon ng PISTON (Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide) para sa P10 dagdag sa minimum na pasahe sa jeep.
Ayon sa LTFRB, inatasan na sila ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez na pag-aralan ang nararapat na fare adjustments ngayong mataas ulit ang presyo ng petrolyo.
Isasaalang-alang naman anila dito ang kakayanan ng mga pasahero na makasabay sa dagdag pasahe at ang posibleng epekto nito sa inflation at presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo. Tiniyak din ng ahensiya na maglalabas sila ng final na resolusyon sa lalong madaling panahon.