Advertisers

Advertisers

Weljon Mindoro haharapin ang Mexicano sa California

0 6

Advertisers

BABALIK sa ring ang walang talong Pilipinong boksingero na si Weljon Mindoro sa Agosto 29, 2026 para harapin ang beteranong Mexican na si Carlos Ocampo sa Los Angeles, California.

Ang 26-anyos na si Mindoro ay may malinis na rekord na 17-0-1 na may 16 na knockout. Balak niyang patatagin ang kanyang posisyon sa middleweight na non-title fight at ipapakita nang live sa ProBox TV.

Ang tanging mantsa sa karera ni Mindoro ay isang tabla laban sa dating challenger sa World Boxing Organization super welterweight title na si Takeshi Inoue ng Japan noong Mayo 2023.

Ang kanyang 16-fight knockout streak kamakailan ay natapos noong Hunyo ng magtagumpay siya sa pamamagitan ng unanimous decision laban sa kay Elias Espadas ng Mexico sa 10-round bout sa Arlington, Texas.

Mataas ang iskor ni Mindoro laban kay Espadas,98-91, 97-92 and 96-93.

Laban sa isang beterano tulad ni Ocampo, kailangan maghanda nang husto ang Pilipino dahil siya ay nakatakdang makipagsagupaan sa mapaghiganti na dating kampeon ng World Boxing Council (WBC) Continental Americas at WBC Latino sa super welterweight.

Ang kamakailang pagtatangka ni Ocampo para sa WBC Continental Americas super welterweight title ay nagtapos sa pagkatalo laban sa Irish na si Callum Walsh.

Pero sa kabila ng pagkatalo, ang 29-anyos na Mexican ay nananatiling isang mapanganib na manlalaro na may record na 38-4 at 26 na knockout.

Ipinagmamalaki rin niya ang résumé niya na may kasamang mga laban para sa world title at mga high-profile na laban kontra sa mga kilalang boksingero sa division tulad nina Errol Spence Jr., Tim Tszyu, at Sebastian Fundora na lahat ay nagtapos sa pagkatalo.

Kung matalo ng Pilipinong boksingero ang Mexican sa laban na ito, mapapalakas ni Mindoro ang kanyang tsansa na makipaglaban para sa world boxing championship.

Samantala, hawak ni Mindoro ang IBA Asian Middleweight title, na nakuha niya noong Disyembre 6, 2024 sa pamamagitan ng pagtalo sa Australianong boksingero na si Joel Camilleri sa pamamagitan ng fourth-round technical knockout sa Dubai, United Arab Emirates.

Natapos din siya na may bronze medal sa kanyang unang pagtatanghal sa Southeast Asian Games sa Thailand noong nakaraang taon.