Advertisers

Advertisers

Piso, bumagsak sa record low na P61.84 kada dolyar

0 8

Advertisers

BUMULUSOK sa pinakamababang antas ang piso kontra dolyar nitong Biyernes Hulyo 24 matapos umabot sa P61.84 kada US dollar, ayon sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ito na ang pinakamahina sa kasaysayan ng piso, mas mababa pa sa dating record na P61.75.

Ang pagbagsak ay dulot ng patuloy na tensyon sa Middle East na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng langis sa higit $100 kada bariles, na nagpalala ng pangamba sa inflation at kalakalan.



Ayon sa mga ekonomista, posibleng umabot pa sa P62 ang palitan kung magpapatuloy ang kaguluhan sa rehiyon at ang mataas na demand para sa dolyar.

Una nang nagdeklara si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng state of energy emergency upang tugunan ang epekto ng tumataas na presyo ng enerhiya sa bansa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">