Advertisers

Advertisers

Meryll at Pokwang nagbigay ng pananaw sa kontrobersiyal isyu ni Joshua

0 6

Advertisers

By Beth Gelena

Ang daming naapektuhan sa ginawang ingay ng aktor na si Joshua Garcia.

Isa sa nagbigay ng pananaw hinggil sa isyu ay sina Pokwang at Meryll Soriano sa kontrobersiya ni Joshua matapos ang burado nang TikTok repost na ikinekta ng kanilang mga netizens sa pagiging pro-Vice President Sara Duterte nito.

Sa panayam kay Boy Abunda, sinabi ni Meryll na may karapatan ang bawat isa sa sariling paninindigan at freedom of speech, ngunit may karapatan din ang publiko na magbigay ng opinyon.

Sang-ayon si Pokwang na hindi dapat iba ang pagtrato kay Joshua dahil artista siya, at iginiit na karapatan ng bawat isa ang magpahayag ng sariling paniniwala.

Naging biktima rin daw si Pokwang ng matinding online hate sa nakalipas na mga taon dahil sa kanyang political views, kaya’t mas nauunawaan niya ang sitwasyon ni Joshua.

Ilang araw nang laman ng online discussions si Joshua matapos niyang irepost ang pagiging pro-Vice President Sara Duterte.

Bagamat na-delete na ang nangyaring repost, nananatiling tikom ang bibig ng Kapamilya actor sa isyung ito.

Sa programang Fast Talk with Boy Abunda nitong nakaraang Martes ay guest ang dalawang aktres sa programa.

Sinabi pa ni Pokwang na kung ordinaryong tao ang gumawa ng ganoong post, hindi ito papansinin.

Ibinahagi pa niya na marami siyang kaibigan na magkaiba ang sinusuportahan sa politika, ngunit nananatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan at respeto sa isa’t isa.